JAMES 14th BIRTHDAY DINNER


Yesterday August 19, nag-celebrate ng kanyang 14th Birthday ang pangalawa kong anak na si James.   At kagaya ng aking nakagawian, tinatanong ko ang anak kong may birthday kung ano ang gusto niyang lutuin ko para sa kanyang kaarawan.   Sa anak kong si James, gusto daw niya ng Lasagna.   At yun nga ang aking niluto.


Bukod dun, nagluto din ako ng crispy pata na niluto ko sa turbo broiler.   Mayroon ding southern style fried chicken, dragon fruit and lettuce salad at nutty yema cake.   Bumili din ang asawa kong si Jolly ng cake para sa may birthday.


Wala namang ibang bisita, kami-kami din lang.   Niyaya ko lang ang kapitbahay kong si
Ate Joy na sumalo sa amin.   Gayun pa man, naging masaya ang aming celebration.

Hanggang sa muli.....


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE