MAJA DE PRUTAS

Ito ang dessert na ginawa ko nitong nakaraang kaarawan ng panganay kong anak na si Jake.   Maja Prutas.

Pangkaraniwang alam natin na luto ng maja blanka ay yung hinahaluan ng mais.   Masarap naman talaga ito at pinoy na pinoy ang dating.   May nabasa naman ako na gawa ng maja na fruit cocktail naman ang inilalagay.   Kaya naman sinubukan ko din ito para maiba naman.

Basically, pareho lang ito ng maja mais na ginawa ko.   Papalitan lang natin ang mais ng fruit cocktail nga.   May kaunting adjustment akong ginawa sa recipes para mas maging masarap at tama ang pagkagawa ng maja blanka na ito.   try nyo din po.


MAJA DE PRUTAS

Mga Sangkap:
2 measuring cups Cornstarch
1 can (370ml) Alaska Evap Full Cream
1 can (370ml) Coconut Cream
1 big can Fruit Cocktail
2 cups Grated Cheese
Sugar to taste
Star Margarine

Paraan ng pagluluto:
1.   I-ready muna ang mga hulmahan o llanera na may star margarine. (5 microwaveable dish)
2.   Sa isang kaserola pakuluan ang Alaska evap, coconut cream at asukal.
3.   Kapag kumulo na ilagay na ang fruit cocktail.
4.   Tikman kung tama na ang tamis at i-adjust ang lasa
5.   Tunawin ang cornstarch sa 4 na tasang tubig.
6.   Ilagay ito at halu-haluin hanggang sa lumapot na ang lahat ng mga sangkap.
7.   Isalin sa mga hulmahan o llanera na inihanda.
8.   Lagyan ng ginadgad na keso habang medyo mainit pa.
9.   Palamigin hanggang sa mabuo.

Maaring ihain ng medyo mainit o malamig ang dessert na ito.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE