MY 47th BIRTHDAY TREAT

Last Friday September 12, ipinagdiwang ko ang aking 47th Birthday kasama ang aking mga matatalik na kaibigan.  Last year hindi ako naghanda kaya naman nitong taong ito ay pinaghandaan ko talaga.

Ako lahat ang nagluto ng aking handa.   At kahit nakakapagod ay nasisiyahan ako at nagustuhan ng aking mga kaibigan ang aking nakayanan.

Bale 5 dishes lang ang aking niluto at isang dessert.   Nakakatuwa dahil lahat ay nagustuhan nila.

May Linguine Pasta in Pesto Bacon Sauce, Kimchi Fried Rice at Pork Cordon Bleu na natutunan ko sa cooking class na in-attend-an ko c/o Alaska, Roasted Chicken in Sinigang Mix, Tofu Chopsuey at Creamy cheesy Maja Mais para dessert.

Nakakatuwa dahil nag-enjoy talaga ang lahat sa pagkaing aking inihanda.   Puring-puri nila ang Maja Mais at Kimchi Fried rice.

Sila naman ay nagbigay sa akin ng cake at ice cream at ikinatuwa ko naman din ng labis.

Sa gabi naman komo naubos ang unag batch ng pagkain na niluto ko, nagluto naman ako ng Liguine Carbonara at Alimango in Oyster Sauce.   May pork cordon bleu pa at roasted chicken na pinagsaluhan naman naming pamilya.

Maaga akong nakatulog ng gabing yun.   At kahit nakakapagod ay baon ko sa aking pagtulog ang ngiti ng aking mga kaibigan na nasiyahan at nabusog sa aking nakayanan.

Hanggang sa muli.   At muli, nagpapasalamat ako sa lahat na bumati at patuloy na sumusuporta sa akin.

God Bless Us All!!!!!


Comments

Anonymous said…
Happy happy Birthday.. God bless always (",)
Dennis Glorioso said…
Salamat po...pakilala naman po kayo :)
Anonymous said…
Hi Sir. Belated hbd. Pasensiya na po ngayon lang ako nakabati. Madami po akong pinagdadaanan kaya hindi ako gaano nakakabrowse. Wish ko po ang good health, wealth, more recipes and happiness. Hanap lang po ako ng timing and I will click away sa ads niyo. God bless po.. .. Mommy Marie
Dennis Glorioso said…
Salamat Mommy Marie...kung ano man yang pinagdaraanan mo ay alam kong malalampasan mo yan sa tulong ni Lord....basta patuloy lang ang pagdarasal natin at lilipas din yan.

Thanks Again

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE