MY SON JAKE 16TH BIRTHDAY

Nag-diwang ng kanyang ika-16 na kaarawan ang panganay kong anak na si Jake nitong nakaraang Lunes Setyembre 22.   Pero nauna ang selebrasyon nung Sabado Setyembre 20.   Nahiling kasi niya na mag-pakain sa kanyang mga ka-klase at tama na Sabado gawin para pahinga naman ng kina-lingguhan.

Hiling ng aking anak na magluto ako ng lasagna, inihaw na liempo at turbo na chicken.   Nagdagdag na lang ako ng kimchi fried rice, lumpiang embotido at nilasing na hipon dahil alam kong malalakas kumain ang mga kabataang lalaki.   Nagluto din ako ng maja de prutas para naman may pang-himagas naman.

Dumating nga ang mga ka-klase niya at mga kasama sa varsity team.

Nakakatuwa dahil nakikita kong masaya ang aking anak.

Inimbita ko din ang aking mga kaibigan na tuwing may okasyon lang kami nagkikita-kita.   Ang pamilya ni Sheila at Franny at ang pamilya ni Merly at Benny.   Mga kumare at kumpare ko sila.

12 midnight na natapos ang party at ubos lahat ng pagkaing aking inihanda.   Salamat naman at nagustuhan nila ang aking nakayanan.

Dalangin ko na sana ay magkaroon pa ng marami pang birthday celebration ang aking anak na si Jake.   At hanggang sa makakaya ko ay ipagluluto ko pa rin siya ng mga pagkaing paborito niya.   Wish ko na makatapos siya ng pag-aaral at magkaroon ng magandang hanapbuhay.

Amen.

ps.  
Paki-abangan na lang po ang recipes ng mga pagkaing aking niluto sa mga susunod na mga araw.

Salamat po

DEnnis

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE