ADOBONG TSINO

All time favorite ng mga Pinoy ang Adobo.   Kasi naman kahit ano ay pwede mong i-adobo.   Baboy, manok, baka, isda, gulay at maging mga shell fish ay pwede.   Kalaban nga sa pagiging national Dish nitong adobo ay ang sinigang.   Hehehehehe.

Alam natin na maraming klase ng adobo at nagiiba-iba ito sa bawat lugar natin dito sa Pilipinas.   Pero nito ko rin lang nalaman na mayroon palang Adobong Tsino.   Pork Adobo Chinese Style.   Nabasa ko din lang ito sa isa pang blog at sinibukan ko ding lutuin para naman mai-share ko sa inyo.

Actually, parang regular na adobo din lang natin.   Ang pagkakaiba lang ay yung paglalagay ng asukal at kaunting sesame oil.    Masarap siya lalo na kung 2 days old na itong naluto.    Hehehehe.


ADOBONG TSINO

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (cut into cubes)
2 pcs. Dried Laurel Leaves
1 head Minced Garlic
3/4 cup Cane Vinegar
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. freshly ground Black Pepper
3 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste
1/2 tsp. Sesame Oil

 Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kawali, ilagay ang hiniwang pork belly at lagyan ng tubig at asin.  Pakuluan ito hanggang sa lumambot.
2.   Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang suka, toyo, paminta, bawang at dahon ng laurel.   Takpan muli at hayaang maluto ang suka bago halu-haluin.
3.   Ilagay na ang brown sugar at toyo.   Hinaan ang apoy at hayaang maiga o kumonte ang sauce.
4.   Huling ilagay ang sesame oil.   Halu-haluin

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy