ATE JOY'S BIRTHDAY CELEBRATION
Si Ate Joy ay ang aking kaibigan at kapitbahay sa condo na aming tinutuluyan. Nito ngang nakaraang Sabado November 22 ay nag-celebrate siya ng kanyang kaarawan. Malayo pa ay panay tanong na niya kung ano ang masarap ihanda para nga sa celebration.
Dalawa lang ang niluto ko sa mga pagkain na yan na kanyang inihanda. Una, ay itong Cucumber and Crab Sticks Spring Roll at ang isa ay yung Creamy Pasta Aligue.
Ito lang ang nailuto ko komo may pasok pa ako sa work ng araw na yun. At isa pa, medyo matrabaho din yung pag-assemble nung spring roll.
Maraming klase ng pagkain ang inihanda. Ang iba dito ay in-order lang niya at ang iba naman ay bigay sa knyan ng kanyang mga kaibigan.
Kagaya nitong Kilawing bangus na ito na napaka-sarap.
At itong Kare-kareng Pata na nagustuhan ko talaga ang pagkaluto ng sauce.
Mayroon ding assorted Maki na in-order naman sa isang Japanese Specialty store.
Hindi ko na nabilang kung ilang putahe lahat ang nasa buffet table. Basta ang natatandaan ko ay mayroong Lechon na galing pa ng Cebu, Inihaw na Tanigue, Spaghetti from Amber, Lechon Manok, Lumpiang Ubod, Sisig, Dinakdakan, Fruity Macaroni Salad, Maja Blanca, Biko, at marami pang iba.
Busog at may take-out pa ang mga bisitang dumating. Nakakatuwa naman at nasiyahan talaga ang may birthday na si Ate Joy pati na din ang kanyang mga naging bisita.
Happy Birthday ulit Ate Joy!!!!!
Comments
Where did you order the Maki? TIA.