MEDIA NOCHE - Maiba naman.....


Malapit nang magpalit ang taon.   Isang taon na naman ang matatapos at haharapin na naman natin ang panibagong hamon ng darating na 2015.

Alam kong abala na tayo sa pag-iisip kung ano ba ang masarap na ihanda sa media noche?   Syempr gusto natin ay maraming handa para maging masagana ang ating taong darating.  

Naisip ko lang bakit hindi ganito ang gawin natin tema ng ating ihahanda?   Boodle fight style na kainan.     Gamit ang dahon ng saging at ilalagay natin dito ang mga pagkaing ating pagsasaluhan.    Masarap kung mga inihaw kagaya ng barbeque, inihaw na isda, hotdogs para sa mga bata,   Pwede din inihaw na limepo, hipon at alimasag.   Tiyak, magugustuhan ng lahat ng kainang ito.   At ang mainam dito, tunay na buklod buklod ang buong pamilya.


Pero kahit ano pa man ang ating ihanda at pagsaluhan ang mahalaga ay ang pagsasama at pagsasalo ng pamilya anuman ang nasa hapag.

MASAGANANG BAGONG TAON PO SA INYONG LAHAT...





Note:   Thank you Judith for the pict and Happy Birthday Janice,   Salamat sa masarap na handa na ito.,

Comments

J said…
Happy new year, kuya Dennis! God bless you and your family always!
Dennis Glorioso said…
Happy New Year din J......na miss kita....hehehehe

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE