PORK HAMONADO Espesyal

Isa sa mga unang dish na nai-post ko sa food blog kong ito ay itong Pork Hamonado.   Sabi nga nung isang nag-comment gusto niya itong matutunan lutuin dahil sa mga handaan kagaya ng fiesta lang niya ito natitikman.   Hindi niya alam na napaka-dali lang nitong lutuin.


May ilang variation din ang Pork Hamonado.   Yung iba, hinihiwa ng manipis yung karne at saka niro-roll.   Mayroon ding nagpapalaman pa ng hotdog para kapag hiniwa ito ay magandang tingnan.   Pero meron ding buong laman siya na may kaunting taba na ini-slice kapag naluto na.

Ang pinaka-key sa pagluluto ng hamonado ay ang matagal na pag-babad nito sa pineapple juice.   Sa pamamagitan nito nanunuot sa laman ng karne ang lasa ng pineapple.   Try nyo din po.


PORK HAMONADO Espesyal

Mga Sangkap:
1 kilo Pork kasim o Pigue (pahiwa ng pahaba)
1 (530ml) Sweetened  Pineapple Juice
2 cups Sprite or 7Up Soda
3 pcs. Onionc (sliced)
1 head Minced  Garlic
1/2 cup Soy Sauce
1 cup or more Brown Sugar
1 tbsp. Corstarch
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Ground Black Pepper

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang karne ng baboy sa pineapple juice, sprite soda, asin at paminta.   Mas matagal mas mainam.
2.   Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang ginayat na bawang at sibuyas.
3.   Ilagay na din ang minarinade na karne kasama ang pinagbabaran.
4.   Lutuin ito sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa lumambot.
5.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ng brown sugar at ang toyo.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.   Dapat ay yung nagaagaw yung tamis at alat.
7.   Ilagay ang tinunaw na corstarch para lumapot ang sauce.
8.   Palamigin sandali ang nilutong karne saka i-slice.
9.   Ilagay sa isang bandehado at lagyan sa ibabaw ng sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Anonymous said…
sir dennis ano po yong pork kasim?pork belly ba?
Dennis said…
Yan yung malaman na part ng baboy. Ito ata yung laman sa taas ng pata sa harap. Pwede din yung pigue na laman.
Unknown said…
yung iba ay kinu-cure ito sa 1 tsp/1kg pink salt (sodium nitrate),ng 2 days para lasang hamon.
Leander Mendoza said…
Kelan po ilalagay yung soy sauce? Salamat!
Dennis said…
Thanks Leander at napansin mo yun. I already updated this post. Actually, pang-kulay lang ang toyo sa dish na ito.

Thanks

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy