2014 PASKO sa SAN JOSE BATANGAS
Ang Christmas Holidays nitong 2014 siguro ang pinaka-mahabang bakasyon na na-enjoy ko sa tanang buhay ko. Bakit ba naman? Nag-start kasi ang bakasyon ko ng December 23 at natapos ng January 4, 2015. Bale kasi ni-leave ko bna yung Dec. 27 which is a Saturday at yung Dec. 29 na Lunes naman.
Kagaya ng nakagawain naming pamilya, sa San Jose Batangas kami nag-diwang ng Kapaskuhan.
Nag-start ang celebration ng Dec 23. After ng simbang gabi ay nagkaroon ng Christmas party ang magkakamag-anak. Bale may kani-kaniyang dala ng pagkain at may mga palaro at exchange gift din na naganap.
Maraming pagkain ng gabing yun na talaga namang nagpa-busog sa lahat.
Dec 24 naman ay naging busy ako sa pagluluto ng mga pagkaing aming ihahain sa Noche Buena. Nagluto ako ng Roasted Turkey, Baby Back Ribs in Barbeque Sauce, Waldorf Salad, Bacon Cheese and Penne pasta Overload at Macapuno Lychees para naman sa dessert.
Hinintay talaga namin ang alas-12 para pagsaluhan ang masasarap na pagkain na aking inihanda.
Dec. 25 Araw ng pasko naman ay nagkaroon ng salo-salo ang pamilya sa tahanan ng hipag kong si Lita. May Lechon, Spaghetti, pinalabuan, Macaroni Salad at iba pa.
Nagkaroon din ng kaunting palaro at pa-raffle para sa magkakapatid. Swerte na nanalo ng TV ang aking bayaw na si Cielito.
Naging masaya ang Kapaskuhan sa lugar na ito ng aking asawang si Jolly.
Dec. 27 naman ay bumalik na kami ng Manila para naman mag-handa para sa aming New Year vacation sa Bulacan.
Till next.....

Comments