ANTON'S CONFIRMATION DAY


Last Saturday January 25 kinumpilan (confirmation) ang bunso kong anak na si Anton.   In-organized ito ng paaralang kanyang pinapasukan ang St. Therese Private School of Mandaluyong.    Ginanap ito sa St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City malapit sa Shangri-la Mall.

Hindi nakarating ang  sponsor na kinuha namin kaya kaming dalawa na lang ng asawa kong si Jolly ang nag-proxy para sa kanila.  

After ng kumpil dapat sana ay sa isang Chinese Resto kami kakain pero komo nga hindi nakarating, kumain na klang kami sa isang burger restaurant sa Shangri-la Mall.   Sa Johnny Rockets.   Hindi na sumama ang aking asawa at mag-iikot na lang daw siya sa mall.   Kaming mag-ama na lang daw ang kumain.

First time ko lang kumain sa resto na ito kaya sinubukan namin.   Burger, fries with cheese and bacon ang in-order namin.

Masarap yung burger nila.  Eto nga at sa sarap ay nakalimutan ko nang kuhanan ng picture.  Hehehehe.   Kaya naman kahit ang anak kong si Anton ay enjoy na enjoy sa kanyang burger.

Yun lang medyo may kamahalan ang food dito.   Imagine, 2 drinks, 1 fries at dalawang burger at the cost of P952?   Wow!   Mag-Mcdo o Jollibee na lang ako sa susunod.   Hehehehe.   But atleast natikman ko dn ang burger nila.

Till next!!!!


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE