CALDERETANG BAKA ng BATANGAS


Sa mga espesyal na okasyon lang sa Batangas ako nakakakit at nakakatikim ng Calderetang Batangas.   Siguro komo may kamahalan ang karne ng baka kaya sa mga espesyal na okasyon lang sila nagluluto nito.

Iba talaga ang calderetang Batangas as compare sa calderetang alam ng marami.   Ito kasing sa Batangas walang tomato sauce na inilalagay.   Mas nagiging espesyal din ito dahil nilalagyan pa nila ito ng keso o gerated cheese.

Truly, masarap at kakaiba talaga ang version nila nitong Calderetang Baka.


CALDERETANG BAKA ng BATANGAS

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket
1 small can Reno Liver Spread
2 tbsp. Lean Perins Worcestershire Sauce
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 cup grated Cheese
1 large onion chopped
1 cloves minced garlic
1 large tomato chopped
3 pcs. Potatoes (balatan at hiwain sa apat)
1/2 cup Soy Sauce
Salt and pepper to taste
½ tsp. Chili powder (Depende kung gaano kaanghang ang gusto ninyo)
½ cup Butter or Star margarine
1 tsp. Maggie magic sarap (optional)

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluuan ang karne ng baka sa tubig at asin hanggang sa lumambot.
Hanguin ito…palamigin….at hiwain sa nais na laki.
2. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter. Halu-haluin.
3. Ilagay ang hiniwang karne ng baka.
4. Timplahan ng asin, paminta, chili powder, pickle relish, toyo at Worcestershire sauce. Hayaang masangkutsa.
5. Lagyan ng mga 2 tasang sabaw ng pinaglagaan ng baka at ang hiiniwang patatas.   Hayaan ng mga 5 minuto o hanggang sa maluto ang patatas.
6. Ilagay ang liver spread at grated cheese. Halu-haluin.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy