LECHON KAWALI - My Best


Maraming beses na akong nakapagluto nitong lechon kawali.   Pero sa halip na i-prito ito sa kumukulong mantika, mas pinili kong sa turbo broiler na lang ito lutuin para iwas sa tilamsik ng kumukulong mantika.   Okay din naman.   Nakukuha pa rin yung lutong na gusto ko sa balat ng na-turbong pork belly.

Not until this version na nagawa ko.   Yun nga lang mas matagal ang pagluluto.   Tatlong beses pa kasi itong lulutuin.  Pero sulit naman dahil masarap talaga ang kinalabasan.  

Naging inspirasyon ko din dito yung style ng pagluluto ng lechon kawali ng aking kapatid na si Shirley.   Yung dalawang beses piniprito.   Pero sabi ko nga sulit na sulit ang tagal ng pagluluto sa version kong ito.   Try nyo din po.


LECHON KAWALI - My Best

Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba)
2 pcs. Dried Laurel leaves
1 head Garlic
1 pc. large Onion
2 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Whole Pepper Corn

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang lahat na mga sangkap at lagyan ng tubig.   Dapat lubog ang karne sa tubig.
2.  Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne.
3.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
4.   Tusuk-tusukin ng tinidor ang balat ng nilagang pork belly.
5.   Isalang ito sa turbo broiler at lutuin sa pinaka-mainit na setting sa loob ng 45 minuto o hangganh sa pumula at mag-pop ang balat.
6.   Hanguin muna sa isang lalagyan at palamigin.
7.   Hiwain ng pa-cube sa nais na laki at ilagay sa isang plastic bag.
8.   Lagyan ito ng asin at paminta at alug-alugin.
9.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa ma-golden brown ang bawat piraso.

Ihain habang mainit pa na may kasamang suka na may sili o Mang Tomas Lechon Sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy