PORK and TOFU in OYSTER and BLACK BEANS SAUCE



Kung medyo nagba-budget tayo sa mga pagkaing ating inihahanda para sa ating pamilya, pangkaraniwang ginagawa natin ay nilalahukan natin ito ng mga gulay o extender kagaya ng tokwa.   Yung iba naman dinadagdagan na lang ang sabaw ang sauce para magskaya.   Dito sa dish na ito, tokwa ang aking ginamit.  

Masarap ito at para ka na ding kumain sa isang Chinese restaurant.   Try nyo din po.


PORK and TOFU in OYSTER and BLACK BEANS SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes)
1 block Tofu or Tokwa (cut into cubes)
1 thumb size Ginger (cut into strip)
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1/3 cup Black Bean Sauce
1/4 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   I-prito ang tokwa ng lubog sa mantika hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan.
2.   Bawasan ang mantika at magtira lamang ng mga 2 kutsara.
3.   Igisa ang luya, bawang at sibuyas.
4.   Ilagay na agad ang karne ng baboy at timplahan ng asin, paminta at toyo.  Lagyan din ng 1 cup na tubig at takpan.   Hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.   Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
5.   Kung malambot na ang karne ilagay na ang black beans sauce, oyster sauce at 2 tbsp. na brown sugar.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ilagay ang tinunaw na cornstarch at sesame oil.
8.   Huling ihalo ang piniritong tokwa at haluin.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy