BEEF BURGER STEAK in SPAGHETTI SAUCE
Sa umaga pa lang bago pumasok sa trabaho ay niluluto ko na ang ulam namin para sa dinner. Nauuna kasing umuwi ng bahay ang aking mga anak at para kako hindi ako nag-aapura para magluto ng aming pang-ulam.
Nitong nakaraang araw nagluto ako ng burger steak na may mushroom gravy. Pagdating ko mula sa aking trabaho, napansin ko na kakaunti na lang ang mushroom gravy na aking ginawa. parang alanganin na para dinner namin. Kaya naisipan kong gumawa na lang ng ibang sauce. Tamang-tama at may nabili akong bagong product ang Purefoods. Yung spaghetti sauce nila na may kasama nang hotdogs. So ang ginawa ko na lang ay konting gisa-gisa at presto may bago na namang dish akong nagawa. Pwede din pala itong i-top sa inyong paboritong pasta.
BEEF BURGER STEAK in SPAGHETTI SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Ground Beef
1 pc. Large White Onion (chopped)
2 cups Breadcrumbs
2 pcs. Fresh Eggs
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for Frying
For the Sauce:
1 tetra pack PureFoods Spaghetti Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Chopped Onion
1 tbsp. Brown Sugar
Sat and pepper to taste
2 tbsp. Olive Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl paghaluin ang lahat ng sangkap para sa burger at hayaan ng mga 30 minuto.
2. Gumawa ng mga burger patties sa nais na laki.
3. I-prito ito sa non-stick na kawali sa kaunting mantika hanggang sa maluto ang magkabilang side. hanguin sa isang lalagyan.
4. Sa isa pang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
5. Ilagay ang spaghetti sauce at timplahan ng brown suhar, asin at paminta. Hintaying kumulo.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ihalo sa sauce ang piniritong burger patties at hayaang ma-coat ang lahat ng ito ng sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments