CRISPY CHICKEN FILLET with BUTTER GARLIC LEMON GLAZE


Usong-uso ngayon lalo na sa mga fastfood resto yung friend chicken nila na nilalagyan ng glaze o kino-coat ng mga sauces.   Kahit nga ang fastfood giant na Jollibee ay nakisabay na din sa ganitong uso.

Kahit kami sa bahay ay nakikiuso sa ganito.   Hehehe.   Ang mainam dito pwede mong laruin ang mga sauces na gagamitin mong glaze sa iyong fried chicken.   Mainam na ang gamitin mong pinaka-base ng iyong glaze ay itong pure honey bee.   Although pwede din naman ang asukal na puti na ginawang arnibal.   Sa manok naman pwedeng kahit kasama yung buto o kunggusto nyo naman ay yung fillet na.   The best sa dish na ito yung thigh fillet na may balat pa.   Mas moist ito at crispy na crispy kapag naluto na.


CRISPY CHICKEN FILLET with BUTTER GARLIC LEMON GLAZE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh  Fillet (skin on)
1 pc. Lemon
1 head Minced Garlic
1/2 cup Melted Butter
1/2 cup Pure Honey
White Sugar to taste
1 cup Cornstarch (or more)
1 small sachet Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang chicken fillet ng asin, paminta at maggie magic sarap.   Hayaang ng mga 1 oras.
2.   I-coat ng cornstarch ang bawat piraso at hayaan ng ilang sandali.
3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   I-drain sa mantika at hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
4.   Alisin ang mantika sa kawali at ilagay ang melted butter.
5.   Ilagay ang minced garlic at hayaang matusta ng bahagya.
6.   Sunod na ilagay ang katas ng 1 lemon at 1/2 tsp. ng lemon zest o yung ginadgad na balat nito.
7.   Ilagay na din ang honey at white sugar.
8.   Lagyan din ng kaunting asin at paminta.   Halu-haluin sa mahinang apoy.
9.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
10.   Ibalik sa kawali ang piniritong chicken fillet.   Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng glaze ang bawat piraso nito.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!



Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE