ICE CANDY SPECIAL

Summer na talaga.   Kaya naman lahat tayo ay kani-kaniyang hanap ng paraan para ma-preskuhan kahit papaano.   Syempre yung hindi gaanong magastos dapat.   At isa na dito ang pagkain ng ice candy.

Madali lang naman gumawa ng ice candy.   Basta gagawin mo lang yung pinaka-base nito na gatas na nilagyan ng asukal at kaunting tubig.   Pwede din haluan ng all purpose cream para mas malinamnam.    At saka mo lalagyan ng iba pang halo o flavor.


Sa ginawa kong ice candy na ito, yung natirang macanatagel salad na ginawa ko nung isang araw ang aing inihalo sa gatas at yung iba naman ay nagdurog ako ng oreo cookies para maging cookies and cream flavor naman.

Maraming flavor na pwedeng gawin.   Depende na lang siguro sa kung ano ang gusto niyong ilagay.   Mas mainam na nilalagyan nyo ito ng laman at hindi flavoring lang para naman kahit papaano ay may nangunguya ang kakain.

Nakakatuwa dahil nagustuhan ito ng aing mga anak lalo na ang cookies and cream flavor.   Try nyo din pong gumawa nito.    Matipid na pampaalis ng init ng katawan.   Hehehehe

Enjoy!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE