PORKCHOP INASAL


Hindi na mahirap magluto ng masasarap na putahe kagaya ng caldereta, menudo, kare-kare at maraming pang classic na pagkaing pinoy.   Kahit pa hindi ka marunong talagang magluto pero dahil sa mga available na marinade mixes at sauces sa merkado hindi imposible na makapagluto ka rin ng mga ganito.

Sa bahay hindi ako nawawalan ng mga instant marinade mixes at sauces na ito.   Kapag kasi nagmamadali ako at wala akong maisip na putahe na lutuin, ito palagi ang takbuhan ko.   At masarap ha.   Konting effort lang ay makaka-kain ka na ng mga putaheng sa fastfood o sa mga resto mo lang natitikman.

Kagaya nitong porkchop inasal na ito.   Konting marinade lang gamit ang isang brand ng inasal marinade mix, presto may masarap na inihaw na porkchops na ako.   Try nyo din po.


PORKCHOP INASAL

Mga Sangkap:
1 kilo Porkchops
1 tetra pack Mama Sita's Inasal Marinade Mix

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang porkchops sa Mama Sita's Inasal marinade Mix ng mga 30 minuto o higit pa.   Overnight mas mainam.
2.  I-ihaw ito sa baga o sa turbo broiler hanggang sa maluto at medyo pumula ang magkabilang side.

Ihain na may kasamang toyo na may calamansi o enseladang mangga at kamatis.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE