DANGGIT, PUSIT at SCRAMBLED EGG


Nitong nakaraang Mother's Day, inilaan ko talaga ang espesyal na araw na yun na maging espesyal para sa ina ng aking mga anak na si Jolly.   Gabi pa lang bago ang espesyal na araw ay sinorpresa ko na siya ng isang dosenang pulang rosas.   At kinaumagahan naman ay ipinagluto ko siya ng espesyal na almusal.

Simpleng almusal lang naman ang aking inihanda.   Pritong pusit na nabili namin sa Pangasinan, danggit at scrambled egg na may kamatis.   Sinamahan ko na din ng fried rice at mainit na kapeng barako.   Natuwa at nasiyahan din naman ang aking asawa.

Truly, kahit simpleng pagkain lang ang ating inihahanda pero kung puno naman ito ng pagmamahal habang niluluto natin, lumalabas na napakasarap nito kahit pangkaraniwan lang.

Isang masarap na gahan po sa inyong lahat....

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE