ROASTED CHICKEN IN SINIGANG MIX

Ito ang isa pa sa dish na inihanda ko sa espesyal na panaghalian nitong nakaraang June 24.   Roasted Chicken in Sinigang Mix.   Yes.   Yung inilalagay natin sa ating paboritong sinigang.  

Ito marahil ang pinaka-simpleng recipe para sa roasted chicken.  Imagine, sinigang mix at kaunting asin at paminta lang ang kailangan at meron ka nang masarap na luto sa manok.  

Nagugulat nga ang mga nakakatikim ng roasted chicken na ito.   Hindi sila makapaniwala na yun lang ang aking pinang-marinade sa manok.   Try nyo din po na malaman nyo.


ROASTED CHICKEN IN SINIGANG MIX

Mga Sangkap:
1 whole Fresh Chicken
2 tbsp. Sinigang Mix
Salt and pepper

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang manok.  
2.   Sa isang bowl, paghaluin ang sinigag mix, asin at paminta.
3.   Ikiskis ang pinaghalong sangkap sa paligid ng katawan at loob ng manok.   Ilagay sa isang plastic bag o zip block at hayaang mamarinade ng overnight.
4.   Lutuin ito sa oven o turbo broiler sa pinaka-mainit na settings hanggang pumula ang balat nito.

Ihain na may kasamang catsup o lechon sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE