BABY POTATOES with HOTDOGS and HAM

Saturday and Sunday ay espesyal na araw sa aming pamilya.   Nito lang kasi kami nagkakasabay-sabay na kumain komo walang pasok ang mga bata.   At komo espesyal nga ang mga araw na ito, nagluluto din ako ng espesyal na breakfast para a kanila.

Sa halip na kanin at ulam ang aking inihanda, nagluto ako nitong baby potatoes.   Paborito ito ng aking asawa at mga anak.   May ilang recipes na din ako nito sa archive.   This time hotdogs at ham naman ang aking isinahog.   Paborito din kasi ito ng mga bata.   And as expected, ubos at nagustuhan talaga ito ng aking mga anak.   Yummy!!!!


BABY POTATOES with HOTDOGS and HAM

Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (linising mabuti at hiwain sa gitna)
1/2 cup Cheese Wiz
1 tetra brick All Purpose Cream
8 pcs. Hotdogs (sliced)
200 grams Sweet Ham (cut into small pieces)
1/2 Melted Butter
1 head Minced Garlic
1 pc. Large Onion (chopped)

Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Ilaga ang patatas hanggang sa maluto.   I-drain.
2.   Sa isang kaserola i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay.  Hanguin sa isang lalagyan.
3.  Sunod na igisa ang sibuyas.
4.   Sunod na ilagay ang hiniwang hotdogs at ham.   Halu-haluin.   Maghango ng kaunti para pang-toppings
5.   Sunod na ilagay ang cheese wiz at all purpose cream.   Halu-haluin
6.   Kung medyo kumulo na ilagay na ang nilagang patatas.
7.  Tikman ang sauce bago timplahan ng asin at paminta.
8.  Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang toasted garlic at hinangong pang-toppings.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE