MY SON ANTON'S 13th BIRTHDAY


Last Saturday August 8, nagdiwang ng kanyang ika-13 kaarawan ang bunso kong anak na si Jericho Anton.   At komo mag-teenager na siya, sinikap kong ipaghanda siya kahit na papaano.

Always, naman basta nagbe-birthday ang mga anak ko, tinatanong ko sila kung ano ang pagkain na gusto nilang lutuin ko.   Para kay Anton, Carbonara at fried chicken ang ni-request niya.


Unang guest na dumating sa bahay ay ang aking biyenan na si Inay Elo.   Kasama niya ang aking dalawang hipag na sina Ate Pina at Lita.   Kasama din ang naging ninong namin sa kasal na si Ninong Nardo.

Sabi ng may birthday may bisita daw siya na mga classmates niya pero last minute ay hindi nakapunta dahil hindi daw pinayagan ng mga magulang.

Ito ang aking mga nilutong pagkain para sa may birthday:   Pasta Carbonara with Fresh Basil leaves,  Shrimp in Zesto Orange and Oyster Sauce, Crabs in Chili-Garlic Sauce,  Fried Chicken,  Pork Char Siu,  Inihaw na Bangus at Peaches and Cream para sa dessert.

Dumating din ang pamilya ni Pareng Regie and Mareng Lau.   Ninong si Pareng Regie ni Anton sa binyag.

Dumating din ang pamilya ng Ninang ni Jake na si Mareng Juliet.

Nakakatuwa dahil nagkita-kita din ang mga anak namin na dati ay maliliit pa sila.    Nagkakahiyaan pa nga at dahil sa tagal nila na hindi nagkita.


Lubos ang aking pasasalamat sa mga naging bisista namin ng gabing yun.   At napagkasunduan namin na magkikita muli sa mga susunod pang pagkakataon.

Muli....Happy happy birthday sa aking bunsong anak na si Anton.

Till next......


Comments

Anonymous said…
Belated happy birthday, Anton! God bless you....Mommy Marie
Dennis Glorioso said…
Thanks Mommy Marie....Yung pangalawa kong anak sa this Wednesday naman...hehehe

Tanong lang po....may nakikita po ba kayong Ads dito sa blog ko at dun sa bago kong website?

Thanks po

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE