IBA PANG PAGKAING INIHANDA KO .......

Bukod sa nai-post ko nang Spicy Shrimp in Coconut Milk at Arroz Valenciana ala Dennis na niluto ko para sa kaarawan ng panganay kong anak na si Jake, may tatlong putahe pa akong niluto para pandagdag sa handa.   Hindi ko na ginawan ng separate post dahil may recipe na naman ako ng mga ito sa archive.   Ngayon kung gusto nyo pa tin ng recipe para sa mga ito, i-message nyo lang ako at ibibigay ko sa inyo ng link ng recipe.

Yung nasa itaas ay Roasted Pork Belly.  Personal na request yan ng may birthday.   Masasabi kong na-master ko na ang pagluluto nito.   Tamang-tama ang lambot at lutong ng balat nito.

Next ay itong No-bake Lasagna.   Personal requestdin po ito ng may birthday.   Nung una sab ko spaghetti na lang at medyo marami ang bisita niya.   Baka kako hindi magkasya ang 1 tray ng lasagna na ito.   Ayos naman.   Ito ang unang naubos sa lahat ng handa niya.

And lastly, ang paborito ng lahat ng mga bagets...Syempre...mawawala ba ang fried chicken.   Ubos din agad ito.   Napansin ko nga ito ang unang kinuha ng mga bagets na guest.   hehehe.

Hindi ko pala nakuhanan ng picture yung nag-iisang dessert na ginawa ko.   Yung coffee Jelly.   Yun din naubos agad.   Sabi nga nung isang guest para daw starbucks ang dating at lasa.   Hehehehe

And that's it....Salamat sa Diyos at nairaos ko ang 17th Birthday ng panganay kong anak na si Jake.

Hanggang sa muli.......


Dennis


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE