PINAPUTOK na BANGUS sa DAHON ng SAGING
Ito ang isa sa mga dish na inihanda ko nitong nakaraan kong kaarawan. Pinaputok na Bangus sa Dahon ng Saging.
May ilang recipes na din ako nito sa archive. Ang pagkakaiba nito ay yung binalot ko pa ito ng dahon ng saging for extra flavor saka ko binalot ng aluminum foil. Nilagyan ko din ng itlog na maalat ang palaman para kumpletos rekados na talaga.
Also, nung binili ko yung boneless bangus na ito, pina-alis ko na yung kaliskis para walang hazzle habang kinakain.
As expected, nagustuhan ng aking mga bisita ang dish na ito. Ang isang guest ko nga gusto pa na mag-order para naman daw sa birthday ng husband niya. Hehehehe
PINAPUTOK na BANGUS sa DAHON ng SAGING
Mga Sangkap:
Boneless Bangus
Kamatis
Sibuyas
Itlog na Maalat
Dahon ng Saging
Aluminum Foil
Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang boneless bangus at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang bowl paghaluin ang hiniwang kamatis, sibuyas at itlog na maalat.
3. Ipalaman ito sa bangus at balutin ng dahon ng saging saka balutin naman ng aluminum foil.
4. Lutuin ito sa turbo broiler sa loob ng 45 na minuto.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang calamansi na may toyo at sili.
Enjoy!!!!

Comments