ME @ KAPUSO MO JESICA SOHO

Nakapanood ba kayo ng Kapuso Mo Jesica Soho kagabi October 11?   Kasama po kasi ako sa Menudo segment kung saan ipinakita ang ibat-ibang klase ng luto ng menudo.   Yung sa akin ay yung Menudong Puti.


Monday October 5, naka-received ako ng email mula sa researcher ng KMJS na nagtatatanong about my Menudo with Pineapple in Pasta Sauce.   So in-email back ko naman yung mga tanong niya.   Unfortunately, hindi ito na-approve ng producer.

Wednesday naman October 7, nagtanong naman sila about my White Pork Menudo na naka-post din dito sa blog.   At yun na nga, na-approved ito at nag-schedule na na mag-shoot.

Nag-leave ako sa work dahil after lunch ng October 8 yung schedule ng shooting.   So maaga pa lang ay busy na talaga ako sa paghahanda ng mga gagamitin sa pagluluto.

8 ng gabi na sila nakadating sa bahay dahil may kinunan pa sila sa Bulacan.  Yung Menudong Bukid nga.

Nakakatuwa talaga dahil nun lang ako nakakita kung papaano kunukunan ng camera ang mga napapanood natin sa tv.   Even the tricks ay itinuro din sa akin ng camera man na kasama nila.

What a nice experience.   I hope hindi ito ang huli from KMJS.

Abangan po ninyo yung recipe bukas nitong MENUDONG PUTI na niluto ko.

Thank you :)

PS.

Eto po pala yung link ng youtube video.   Nasa 1:10 time po yung sa akin.
https://www.youtube.com/watch?v=GYyHfugNGbk

Comments

Anonymous said…
Grabe sikat ka na Sir Dennis!!!
Claire

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE