BANANA & CHOCNUT in CREAM


For sure nag-iisip din kayo ng dessert na masarap para sa inyong Noche Buena.   Pangkaraniwan natin na inihahanda ay ang fruit salad, leche plan, at mga kung ano-anong minatamis.   Yung iba naman bumibili na lang ng mga cakes at pastries.

Pwede nyo in sigurong i-consider ang simpleng dessert na ito na ginawa nitong isang araw.   Tatlong klase lang ang sangkap.   Although, pwedeng maging tatlo kung lalagyan mo din ng chocolate syrup.

Simpleng-simple lang ang dessert na ito.   Walang cooking na gagawin at in just 5 minutes siguro ay pwede ntyo na itong i-serve.   Try nyo din po.



BANANA & CHOC NUT IN CREAM 

Mga Sangkap:
6 pcs. Banana (cut into half)
6 pcs. Choc Nut
1 tetra brick Alaska Crema  (i-chill sa fridge)
Chocolate Syrup (optional)

To assemble:
1.   I-hilera ang hiniwang saging sa isang plato o bandehado.
2.   Ilagay sa ibabaw ng saging ang chilled na Alaska Crema or All Purpose Cream
3.   Ilagay din sa ibabaw ng cream naman ang dinirog na Choc Nut.
4.   Optional na i-drizzel ng chocolate syrup sa ibabaw.
5.   I-chill muna sa fridge bago i-serve.

Ihain na may matamis na ngiti sa labi.  :)

Enjoy!!!



















Comments

Unknown said…
Sir, mas okay po siguro iyan kung i-serve sa clear container in layers, mas visually appealing. Suggestion lang po
Dennis Glorioso said…
Pwede....but actually mas ok siya kung single serving lang. Pero kung pang maramihan...yes tama ka mainam na sa clear container or pyrex ilagay.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE