CRISPY CHICKEN FILLET ala KING


Na-try nyo na ba yung Chicken Fillet ala King ng KFC?  Ako hindi pa.   Pero naisipan kong gawan ito ng sarili kong version.   At ito na nga po yun.

Paborito ng mga anak ko ang pritong manok.   Kaya naman para hindi sila magsawa, ginagawan ko ito ng kung ano-anong twist para mas lalo ko pa itong mapasarap.   At isa na nga dito ay itong crispy chicken fillet ala king na ito.

Madali lang naman itong lutuin at maging ang mga sangkap nito ay madali lang hanapin at mabibili din lang kahit sa sari-sari store.

Try nyo din po.


CRISPY CHICKEN FILLET ala KING

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (skin on)
1 pc. Lemon
2 cups Cornstarch
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
For the sauce:
1 tetra brick All Purpose Cream
2 heads Minced Garlic
1/2 cup Melted Butter
1 cup Diced Carrots
1 cup Whole Corn Kernel
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  I-marinade ang chicken fillet sa katas ng lemon, asin, paminta at Maggie Magic Sarap ng 1 oras.   mas matagal mas mainam.
2.   Ilagay sa isang plastic bag ang minarinade na chicken fillet at ilagay ang cornstarch,   Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng cornstarch ang lahat na piraso na manok.
3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan namay paper towel.
4.   For the sauce:   Sa isang kawali o sauce pan i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
5.  Sunod na ilagay ang diced carrots at corn kernel.  Halu-haluin.
6.  Ilagay na ang all purpose cream at timplahan ng asin, paminta at Maggie Magic Sarap.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain ang crispy chicken fillet na may ginawang sauce at toasted garlic sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy