NOCHE BUENA 2015

Nais ko pong i-share sa inyo itong nakaraan naming Noche Buena sa aming munting tahanan.   Nung mga nagdaang taon kasi mula nung kami ay mag-asawa, sa bahay na ng aking biyenan kami nagno-noche buena at nag-papasko na din kasama ang iba pa nilang kamag-anak.

Komo first time nga namin sa aming bahay, minabuti kong mga tradisyunal na pagkaing pang-noche buena ang aking ihanda.   Dinamihan ko na din para kako madala din namin pag-uei namin ng Batangas kina-paskuhan.
 
 Bago ang Noche Buena, ay dumalo muna kami ng Misa de Aguinaldo sa malapit sa aming simbahan.   At pagkatapos nun kahit hindipa alas-dose ay kumain na kami ng aming noche buena.

 Mayroong hamon sa aming hapag...

 ...Quezo de Bola na matagal-tagal na din na hindi ako nakakakain.

Mayroon syempreng pasta dish.   This time penne pasta with Italian sausages, ham at pepperoni in Italian pasta sauce.

 At komo paborito naming lahat ang baby potatoes, hindi nawala ito sa aming hapag.

 Mayroon ding classic crispy pata....

...at fried chicken na request ng aking mga anak.

Halayang Ube at leche plan naman ang dessert na bigay sa akin ng aking kapatid na si Shirley at Ate Mary Ann.

Kahit kami-kami lang ay naging masaya naman ang aming selebrasyon ng Noche Buena ng Pasko sa aming munting tahanan.   At katulad ng maramig biyaya na aming pinagsaluhan, maging maraming biyaya din sana ang aming makamtan sa Bagong taon na darating.

Maligayang Paskopo muli sa inyong lahat!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE