BEEF BROCCOLI


It's a treat basta beef ang ulam namin sa bahay.   Medyo mahal kasi di ba ang karne ng baka?   Kaya minsan-minsan lang kami nag-uulam nito.   Madalas nga yung mura na part lang yung binibili ko kahit na medyo matagal palambutin.

This time naman sinubukan kong magluto nung mas mahal pa na parte ng karne ng baka.  Yung sirloin.   Kahit na medyo may kamahalan ang parte na ito, binili ko pa rin dahil naisip ko tamang-tama ito na samahan ng broccoli.   At eto na nga, isang masarap na beef dish para sa aking mahal na pamilya.



BEEF BROCCOLI

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Sirloin (cut into bite size pieces)
500 grams Broccoli (cut also into bite size pieces)
1 pc. Carrot (sliced)
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Cornstarch
1 thumb size Ginger (grated)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang karne ng baka ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
2.  Sa isang non-stick na kawali igisa ang bawang, sibuyas at grated na luya.
3.   Isunod na agad ang karne ng baka at halu-haluin.
4.   Timplahan ng toyo at kaunting tubig.   Takpan at hayaang maluto ang karne.
5.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang oyster sauce at brown sugar.   Halu-haluin.
6.   Ilagay sa ibabaw ang hiniwang carrots at broccoli.   Takpan muli at hayaang maluto ang gulay.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.   Halu-haluin.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
hindi masarap
Dennis Glorioso said…
Alin po ang hindi masarap?
Anonymous said…
hindi nga
Dennis Glorioso said…
Okay po...Salamat na lang po :)

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE