PENNE PASTA with ITALIAN SAUSAGES, HAM, PEPPERONI in ITALIAN PASTA SAUCE

Sa panahon ngayon pwede tayong magluto at kumain ng masarap sa ating mga bahay kahit hindi tayo expert sa pagluluto.   Sa dami ba naman ng mga instant mixes sa market ngayon papaanong mamamali pa ang inyong pagluluto?

Kailangan na lang ng kaunti pang imagination para mas lalo pang mapasarap ito.    And ofcourse lakasan lang ito ng loob.   Kahit ako naman, nagkakamali pa din hanggang ngayon sa mga niluluto.   At duon ako natututo, sa mga pagkakamali na nararanasan ko.

Kagaya nitong pasta dish na ito.   Instant pasta sauces lang ang aking ginamit at nilahukan ko lang ng extra pa na mga sangkap at presto may isang masrap na pasta dish na ako na masarap at maikukumpara sa mga nakakain natin sa mga mamahaling restaurant o hotel.

Try nyo din po.


PENNE PASTA with ITALIAN SAUSAGES, HAM, PEPPERONI in ITALIAN PASTA SAUCE

Mga Sangkap:
500 grams Penne Pasta (cooked according to package directions)
2 tetra pack Italian Style Spaghetti Sauce
4 pcs. Italian Sausages (sliced)
100 grams Sweet Ham (cut into small pieces)
100 grams Pepperoni
1 tsp. Dried Basil Leaves
1 tbsp. Brown Sugar
3 tbsp. Olive Oil
2 cups Grated Cheese
1 head minced Garlic
2 pcs. Onion (chopped)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang penne pasta according to package directions.  I-drain
2.   Sa isang kawali o sauce pan, igisa ang bawang, sibuyas at dried basil sa olive oil.
3.  Isunod na agad ang Italian sausages, ham at pepperoni.   Halu-haluin.
4.   Ilagay na din ang Italian style spaghetti sauce, 1 cup na grated cheese at timplahan ng asin, paminta at brown sugar.   hayaang kumulo sa mahinang apoy ng mga 5 minuto.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.  Patayin ang apoy at ihalo ang nilutong penne pasta.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natira pang grated cheese.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Sir Dennis, thank you so much po sa very informative nyong blog. Sobrang nagugustuhan po ng pamilya ko ang bawat pagkain na hinahain ko sa kanila sa tulong po ng mga recipes nyo. Keep up the goood work po Sir Dennis, God bless you po and your family. -- Mama LEA
Dennis Glorioso said…
Salamat Mama Lea sa napaka-inspiring na message mo sa akin. Dahil sa mga kagaya mo kaya nagpapatuloy ako sa pagpo-post sa blog na ito kahit na wala naman akong napapalng pinansyal ngayon kumpara sa dati. Sana patuloy mo akong suportahan sa blog na ito. At kung mayroon kang time please visit also my mirror blog ang mgalutonidennis.com at paki-click na din po ang mga Ads sa bawat post.

Again maraming salamat po.

Dennis
Anonymous said…
Sir Dennis,makakaasa po kayo sa patuloy kong pagsuporta sa mga recipes nyo. Kulang po ang araw ko dito sa trabaho kapag hindi ko po nabuksan ang blog nyo. Marami pong salamat sa mga katulad nyo na hindi nagdadalawang isip na i-share po ang kanilang expertise. sana po maipalabas po ulit kayo kay Ms. Jessica Soho, dahil sobrang natuwa din po ako ng makita ko kayo sa tv.

Wala na po talagang sasarap sa lutuing may sangkap ng pagmamahal lalo at para po ito sa pamilya.

Maraming, maraming salamat po ulit..

Mama LEA
Dennis Glorioso said…
Salamat Mama Lea....Hanggat may katulad mo na patuloy ang suporta ipagpapatuloy ko pa din ang food blog kong ito.

Thanks again

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE