CHEESY BABY POTATOES with HOTDOGS, BACON and MUSHROOM


Paborito ng aming pamilya itong Baby Potatoes o marbled potatoes na may bacon at cheesy na sauce.   Alam ko na basta bumili ng baby potatoes ang aking asawang si Jolly, ganitong luto ang gusto niya na mangyari.

Kaso nitong huling luto ko ng dish na ito, kakaunti lang ang bacon na natira sa fridge.   Parang bitin naman kung ito lang ang isasahog ko.   Buti na lang at may jumbo hotdogs pa na natira at naisip kong ito na lang ang idagdag sa potato dish na ito.

Ayos naman.   Nagustuhan din ito ng aking mga anak.   And for sure magugustuhan din ito ng inyong pamilya.   Tamang-tama ito na pang-almusal o side dish sa inyong regular na panghalian o dinner man.   Try nyo din po.



CHEESY BABY POTATOES with HOTDOGS, BACON and MUSHROOM

Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (linising mabuti at hiwain sa gitna)
1 tetra brick All Purpose Cream or 1 small can Evaporated milk
4 tbsp. Cheese Wiz
250 grams Bacon (chopped)
250 grams Hotdogs (sliced)
1 cup Grated Cheese
1 cup Sliced Mushroom
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
1/2 cup Melted Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Ilaga ang baby potatoes sa isang kaserola na may tubig at asin.   Huwag i-overscooked.   I-drain.
2.   Sa isang kawali o kserola, i-prito ang bacon hanggang sa ma-toast ng bahagya.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sunod na igisa ang bawang at sibuyas.   Halu-haluin.
4.   Ilagay na ang hotdogs at sliced mushroom.  Hayaang maluto.   halu-haluin.
5.  Ilagay na ang all purpose cream o evaporated milk at ang cheese wiz at timplahan ng kaunting asin at paminta.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ihalo na ang nilagang baby potatoes.   Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang bawat oiraso ng baby potatoes.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang piniritong bacon at grated cheese.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE