Posts

Showing posts from April, 2016

CHICKEN BROCCOLI

Image
Nitong huli kong pamimili sa SM Supermarket sa may Sta. Mesa, may nakita akong magandang cut ng chicken thigh fillet.   Maganda kasi nakasama pa yung skin nito at medyo malalaki ang piraso.  Although sabihin na natin na hindi healthy yung balat ng manok pero kung paminsan-minsan naman ay okay lang siguro.   Yung balat kasi ng manok ang nagbibigay ng extra flavor at moist sa manok. Nung makita ko nga ang mga chicken thigh fillet na ito, isang dish lang ang naisip kong gawin.   At ito na ngang Chicken Broccoli.   Masarap ito.  For sure magugustuhan din ito ng inyong pamilya. CHICKEN BROCOLLI Mga Sangkap: 3/4 kilo Chicken Thigh Fillet 1/2 kilo Broccoli (cut into bite size pieces) 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Cornstarch (dissolved 1/2 cup water) Salt and pepper to t...

MEATY LUMPIANG TOGE

Image
Pahirapan pakainin ng gulay ang aking mga anak lalo na ang anak kong si James.   Mag-uulam siya ng sabaw pero pahirapan talaga sa gulay lalo na yung madadahon na gulay.   Pero laking pagtataka ko na gusto daw niya nung lumpiang toge.   Siguro nakakabili o nakakakain siya nito sa school kaya nagustuhan niya. Kaya naman nitong nakaraang Linggo naisipan kong magluto nitong Lumpiang Toge para sa aking mga anak at para matigil na din ang pagke-crave ko dito. Simple lang ang version kong ito.   Kung tutuusin nga mas ma-karne pa nga ito kumpara dun sa mga nabibili natin sa labas na puro talaga toge at iba pang gulay.   Mas makarne ginawa ko para hinay-hinay lang at hindi sila mabigla sa gulay. Okay naman ang kinalabasan.   Nagustuhan nila ito.   Si James nga yun lang ang ini-ulam at hindi na tumikim pa ng iba pang ulam.    Hehehehe MEATY LUMPIANG TOGE Mga Sangkap: 1/2 kilo Toge or Bean Sprout 1...

PINALABUAN

Image
Ang Pinalabuan ay isang pork dish na maihahalintulad sa dinuguan o tinumis na tawag naman namin sa Bulacan.   Halos parehong-pareho lang siya ng dinuguan,  Ang napansin ko lang na pagkakaiba ay medyo masabaw itong pinalabuan.  Last Sunday, dapat sana ay lechong kawali ang aming ulam para sa aming pananghalian.   Ewan ko ba kung bakit nung namamalengke na ako ay naisip kong magluto nitong pinalabuan. So pagdating na pakadating ko sa bahay inihanda ko na ang pagluluto nito bago kami makapag-simba.   Habang niluluto ko ito, naisip ko ang turo sa akin ng aking mother in law na si Inay Elo.   Sa kanya ko nakuha ang tamang pagluluto nito at yung teknik para hindi makulta ang dugo na inlalagay.  Medyo nalungkot lang ako dahil may sakit noon.   At sa ilang beses na nagluto ako nito, ngayon ko lang ata nakuha yung perfect na lasa ng pinalabuan.   Kahit ang asawa kong si Jolly ay napansin ito.   PINALABUAN ...

CHICKEN PORK ADOBO

Image
Paborito sa aming tahanan ang adobo.   Sabagay, saan bang tahanan ang paborito ito.   Ito na marahil ang pambansang ulam natin mga Pilipino.   hehehehe. Madalas, adobong baboy o adobong manok ang niluluto ko.   Hindi ko ito pinagsasama.   Pero komo nga nasa bahay lang ang aking mga anak dahil bakasyon sa eskwela, dinadagdagan ko ang ulam kumpara sa dati kong inihahanda.   Kaya this time pinaghalo ko ang manok at baboy sa adobo na pangkaraniwan naman ginagawa ng marami sa atin. Take note lang na unahin lutuin ang baboy komo mas mataga itong lumambot kesa sa manok.   Kapag kasi pinagsabay nyo ang luto, baka madutog ang manok e hindi pa malambot ang baboy. For sure magugustuhan ito ng inyong pamilya.   At mas masarap ito kung kinabukasn nyo na ito kakainin.   hehehehe,. CHICKEN PORK ADOBO Mga Sangkap: 1 kilo Chicken (cut into serving pieces) 1 kilo Pork Liempo (cut into serving pieces)...

CRISPY FRIED CHICKEN with HONEY-BUTTER GLAZE

Image
My kids loves fried chicken kaya naman hindi ito mawawala sa menu madalas.    Pero para hindi sila mag-sawa (na malayo namang mangyari...hehehe)   nilalagyan ko ng twist o flavor ang aking nilulutong fried chicken.   Basta ang ginagawa ko lang ay tinatanong ko sila sa mga flavor na pwede kong gawin. Kagaya nitong dish natin for today.   Tinanong ko sila kung gusto yung medyo spicy na glaze o yung medyo manamis-namis.   Yung manamis-namis ang napili nila kaya eto na po ang kinalabasan. Simple lang ang glaze na ito.   Dalawang sangkap lang ang kailangan at ayos na.   Try nyo din po. CRISPY FRIED CHICKEN with HONEY-BUTTER GLAZE Mga Sangkap: 1 kilo Fresh Chicken (Legs, wings, thigh parts) 2 cups Cornstarch 1 tbsp. Garlic Powder Salt and pepper to taste 1 cup Pure HoneyBee 3/4 cup Melted Butter Cooking Oil for Frying Paraan ng pagluluto: 1.  Timplahan ang manok ng asin at paminta. ...

MELON PANDAN

Image
Sa bahay lang ang aking mga anak most of the time ngayong bakasyon.    Bukod sa panonood ng tv, pagkain ang madalas nilang pagka-abalahan.    Kaya naman nag-doble talaga ang gastos namin sa pagkain ngayon.  Okay lang naman.  Sa init ng panahon ngayon, mas mainam pa na mag-stay na lang sa bahay. Kaya naman doble effort di ako sa mga pagkaing aking niluluto para sa kanila.   Ofcourse yung madadali lang lutuin para hindi parusa sa init ng kalan.   Also, napapadalas din na gumawa ako ng dessert para sa kanila.    At komo usong-uso ngayon ang pakwan at melon, naisipan kong gumawa nitong Melon Pandan.   For sure magugustuhan ito ng inyong mga anak. MELON PANDAN Mga Sangkap: 1 pc. Melon (cut into bite size cubes) 2 sachet Mr. Gulaman (Green Pandan Flavor) 1 cup White Sugar 1 can Condensed Milk Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, tunawin ang Mr. Gulaman powder sa 6 cups na tu...

MACAPUNO PANDAN with KAONG

Image
Nitong nakaraang Linggo naisipan kong gumawa ng dessert o panghimagas.   Tamang-tama dahil may isang garapon ng pure minatamis na macapuno sa aming cabinet na nabili ng aking asawang si Jolly. Unang kita ko pa lang sa macapuno na ito, ito na agad macapuno pandan ang aking naisip na gawin.   At para madagdagan pa ang sarap at texture sa bibig, sinamahan ko pa ito ng mintamis na kaong.  Yung nasa bote na nabibili lang sa supermarket ang ginamit ko. Also, ang ginamit ko palang gulaman dito ay yung bagong produkto ng Mr. Gulaman.   Yung may kasama nang pandan essence.   Okay ito dahil malalasahan mo talaga yung lasa ng pandan leaves. Dalawang version ang ginawa ko sa dessert na ito.   Ito nga yung una at abangan nyo pa yung isa.   Masarap po ito as compare sa paborito na nating Buco Pandan.   Try nyo din po. MACAPUNO PANDAN with KAONG Mga Sangkap: 4 cups Ready to eat Pure Macapuno 2 sachet Mr. Gulaman (...

CLASSIC CRISPY PATA

Image
CLASSIC CRISPY  PATA Ilang buwan na ding sira ang aming turbo broiler...na miss ko tuloy ang mga paborito kong lutuin dito kagaya ng roasted chicken at itong crispy pata.   Kaya eto balik sa original o classic na paraan ng pagluluto ng crispy pata ang aking ginawa.   Well, mas masarap naman talaga yung original o classic kumpara sa luto sa turbo o pugon.   At syempre nasa timpla pa din ang sekreto para sa isang masarap na crispy pata. Narito ang ilan sa mga tips para sa isang masarap na crispy pata: 1.   Dapat batang pata ng baboy ang gagamitin.   Malalaman ito sa kapal ng balat ng pata. 2.   Pakuluan ang pata sa kaserolang may maraming asin, bawang, sibuyas, dahon ng laurel at pamintang buo. 3.   Huwag i-overcooked din ang paglalaga ng pata dahil ipi-prito pa ito.   Yung tama lang ang lambot dapat. 4.   Pagkatapos palamigin ang nilagang pata, hiwaan ang paligid nito na sagad hangga...

HICKORY PAN-GRILLED PORK BELLY

Image
Here's another summer cooking tip na pwede nyong gawin ngayon napaka-init ng panahon.  Kaunti  lang kasi ang preparasyon at hindi mo na kailangan pang magpa-init ng baga para lang makatikim o makakain ka ng inihaw na liempo.   Although, mas masarap pa rin talaga ang ihaw sa baga, okay na okay din ito version na isa-suggest ko sa inyo.  HICKORY PAN-GRILLED PORK BELLY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba) 1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque marinade Mix 1 cup Sprite Soda 1 head Minced Garlic 1 tsp. Freshly Ground Black pepper Salt to taste Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang pork belly sa Clara Ole Hickory Barbeque marinade mix, Sprite Soda, minced Garlic, kaunting asin at dinurog na paminta ng 1 oras o higit pa.   Overnight mas mainam. 2.  I-pan-grilled ito sa isang non-stick na kawali na may kaunting mantika sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa maluto ang magkabilang sides. ...

PANCIT LOMI GUISADO

Image
Nitong huling pagbisita namin sa bayan ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas nitong nakaraang mahal na araw, hindi maaring hindi ako maka-kain ng paborito kong loming Batangas.   Ewan ko ba, solve na solve ako sa kanilang lomi.   Kaya naman ng magawi kami ng palengke bago kami bumalik ng Manila, naisipan kong bumili nitong lomi noodles. Actually, hindi ko pa alam noon kung yung may sabaw ang gagawin kong luto dito o yung guisado o parang pancit.   Pancit guisado nauwi ang naging luto sa noodles.   Pork at gulay ang isinahog at nilagyan din ng kaunting sesame oil para madagdag ng flavor sa noodles. PANCIT LOMI GUISADO Mga Sangkap: 1 kilo Lomi Noodles (Egg noodles) 1/2 kilo Pork Belly 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 100 grams Baguio Beans (sliced) 1 pc. Carrot (cut into strips) Pechay Baguio or Repolyo (sliced) 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Maggie Magic Sarap 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste ...