PANCIT LOMI GUISADO

Nitong huling pagbisita namin sa bayan ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas nitong nakaraang mahal na araw, hindi maaring hindi ako maka-kain ng paborito kong loming Batangas.   Ewan ko ba, solve na solve ako sa kanilang lomi.   Kaya naman ng magawi kami ng palengke bago kami bumalik ng Manila, naisipan kong bumili nitong lomi noodles.

Actually, hindi ko pa alam noon kung yung may sabaw ang gagawin kong luto dito o yung guisado o parang pancit.   Pancit guisado nauwi ang naging luto sa noodles.   Pork at gulay ang isinahog at nilagyan din ng kaunting sesame oil para madagdag ng flavor sa noodles.


PANCIT LOMI GUISADO

Mga Sangkap:
1 kilo Lomi Noodles (Egg noodles)
1/2 kilo Pork Belly
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Large Onion (sliced)
100 grams Baguio Beans (sliced)
1 pc. Carrot (cut into strips)
Pechay Baguio or Repolyo (sliced)
1 tsp. Sesame Oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Ilaga ang pork belly sa isang kaserolang may tubig at kaunting asin hanggang sa lumambot.   I-drain ang pork belly at itabi ang sabaw na pinaglagaan.
2.   Hugasang mabuti ang lomi noodles.   I-drain.   Set aside
3.   Kung malamig na ang nilagang pork belly, hiwain ito ng pa-cubes sa nais na laki.
4.   Sa isang kawali na medyo malaki, i-brown ang hiniwang pork belly sa mantika.
5.   Itabi lang sa side ng kawali ang pork belly at igisa namang ang bawang at sibuyas.   Halu-haluin.
6.   Ilagay ang sabaw na pinaglagaan (about 3 cups) kasama na din ang Baguio beans at carrots.   Hayaang kumulo.
7.   Timplahan ng asin, paminta at Maggie Magic sarap ayon sa inyong panlasa.
8.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
9.   Ilagay na ang lomi noodles at halu-haluin.
10.   Huling ilagay ang Pechay Baguio o repolyo kasama ang sesame oil.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang calamansi na may toyo.

Enjoy!!!




Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE