KITAKITS with MY HIGHSCHOOL CLASSMATES

Last Saturday June 4, 2016, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkita-kita ng aking mga ka-klase noong high school.   Dumating kasi ang classmate namin na si Filo mula sa America at ninais niya na magkaroon kami ng munting pagkikita-kita.

Dapat sana ay reunion ng aming section pero hindi ito nag-materialize sa maraming kadahilanan.


Ito ang isa sa magandang naidudulot nitong FB.   Mas madali ang communication.   kahit ang mga nasa ibang bansa ay naaabot nito at the same time.   Kaya nga naging mas madali ang pagpa-plano nitong kitakits na ito.

1pm ang usapan pero late na ako nakadating dahil pumasok pa ako sa aking trabaho.   15 kami lahat na nakarating at ang bawat isa ay may kani-kaniyang dalang pagkain.   Sa totoo lang hindi namin naubos ang lahat ng pagkain at iniuwi na lang ang natira.


Walang katapusang kwentuhan ang nangyari at talaga naang na-enjoy ng lahat ang pagkikita-kita.   Lahat kami ay umuwi na masaya at baon ang mga ala-ala ng aming mga kabataan.

For sure mauulit ang pagsasama-sama na ito.   Plano na nga ay sa December ang susunod.    Hehehehe


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE