Posts

Showing posts from September, 2016

JAKE'S 18th BIRTHDAY CELEBRATION

Image
September 22 ang araw ng kapanganakan ng panganay kong anak na si Jake.   At kagaya ng mga nakaraan niyang birthday, iniraraos namin ito kahit papaano sa aming tahanan. Huwebes pumatak ang kanyang birthday at siya na din ang nagsabi na Sabado na lang gawin ang celebration komo nga simpleng araw yun at may pasok sila sa school. At ganun nga ang nangyari.   Tanghali pa lang ng Sabado ay nag-simula na akong magluto para sa kanyang mga bisita.   Sabi niya mga 15 daw ang ine-expect niya na guest kaya naman nag-handa ako ng para sa 20 to 25 na guest naman. Sa may birthday din nang-galing kung ano ang gusto niyang ihanda ko.   Ganun naman lagi ang ginagawa ko.   Kung ano ang gustong handa ng may birthday, yun ang inihahanda ko. So nagluto ako ng Pork Hamonado,  Shrimp in Orange-Pineapple sauce, Fish fillet with Chili-Garlic-Mayo Dip,  5 Spice Fried Chicken,  Spaghetti Meat Overload in Italian Sauce at Yang Chow Fr...

LECHON MACAU

Image
Ang Lechon Macau ay para din lang yung paborito nating Lechon Kawali o yung Bagnet ng Ilocos.   ang pagkakaiba lang nito ay tinitimplahan pa ito ng herbs and spices habang pinapakuluan at pini-prito. Actually na-kopya ko lang ang recipe na ito sa isa pang food blog at hindi ko alam kung ganito ba talaga ang recipe na ginagamit sa Macau.   Ito pala ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Masasabi ko na masarap dahil may kakaiba itong lasa kumpara sa simple nating lechon kawali.   Try nyo din po. LECHON MACAU Mga Sangkap: 2 kilos Pork Belly (cut into blocks) 2 tsp. 5 Spice Powder 1 tsp. Garlic Powder 2 pcs. Dried Laurel Leave 2 pcs. Onion (quartered) 1 head Garlic (sliced) 2 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1 tsp. Ground Black pepper Cooking Oil for Frying Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola ilagay ang pork belly,  1 tsp. ng 5 spice powder, sibuyas, ba...

HALABOS na HIPON sa GATA

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko para sa aking nakaraang kaarawan.   Halabos na Hipon sa Gata. Ang paghahalabos ang pangkaraniwang luto na ginagawa natin sa hipon.   Madalas asin lang ang inilalagay natin at kaunting tubig at pakukuluan o steam lang ng kaunti.   Pero pwede din na maglagay pa tayo ng kung ano-anong pampalasa pa para sumarap ito. Yung iba ginigisa pa ito sa butter at nilalagyan ng 7Up o Sprite,   Yung iba naman maraming bawang o mga herbs na pampalasa. Sa version kong ito, gata ng niyog naman ang aking ipinang-halabos.   Nilagyan ko din ng chili-garlic sauce para may kaunting sipa sa bibig ang lasa.   For me, ito ang panalong luto sa hipon. HALABOS na HIPON sa GATA Mga Sangka: 1 kilo Medium size Shrimp 2 cups Kakang Gata ng Niyog 1 tbsp. Chili-garlic sauce 1 thumb size Ginger (cut inti strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil or melted Butter Salt and pep...

LASAGNA ROLL

Image
Ito po ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Lasagna Roll. First time ko lang itong ginawa.   Yung regular na lasagna yes nakagawa na ako pero itong naka-roll ngayon pa lang talaga. Actually halos pareho lang ang proseso sa pagluluto nito.   Ang pagkakaiba lang, sa halip na i-layer yung lasagna sheets ipinapalaman yung meat at sauce at saka niro-roll.   Importante din na i-top ito ng quick melt cheese at fresh chopped basil leaves.   Yummy!!!! LASAGNA ROLL Mga Sangkap: 10 pcs. Lasagna Pasta 500 grams Ground Pork or Beef 1 can Sliced Mushroom 1/2 cup Tomato Paste 1 cup Quick Melt Cheese 1/2 cup Melted Butter1/2 tsp. Dried Oregano 1/2 tsp. Dried Basil 1/2 tsp. Dried Parsley 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large White Onion (chopped) Salt and pepper to taste For the sauce/garnish: 4 cups Spaghetti Sauce 2 cups Grated Quick melt Cheese 1/2 cup Chopped Fresh Basil Leaves  5 cloves Mi...

HERBS CRUSTED PINK SALMON

Image
Ito ang isa sa mga pagkaing aking inihanda sa aking kaarawan last Monday September 12.   Herb Crusted Pink Salmon. Ito ang aking inihanda komo paborito ito ng aking asawang si Jolly at ang tatlo kong mga anak.   Dati, simpleng salt and pepper lang ang itinitimpla ko dito komo masarapa na ang isdang ito.   But this time, nilagyan ko ito ng 3 klaseng herb para mas lalo pang sumarap.   Nilagyan ko ito ng thyme, basil at parsley.   Ang resulta?   Perfect!  Sinamahan ko pa ng buttered Baguio beans...Panalo!!! HERBS CRUSTED PINK SALMON Mga Sangkap: 1 kilo Pink Salmon Fillet 1 tsp. Dried Parsley 1 tsp. Dried Basil 1 tsp. Dried Thyme 1 tsp. Ground Black Pepper 1 tsp. Salt or to taste Butter for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Paghaluin ang mga herbs, asin at paminta sa isang bowl.   2.   Ibudbod ito sa paligid ng pink salmon fillet.   Hayaan ng ilang sandali o a...

MY 2016 BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Last Monday September 12 me and my family celebrated my 49th birthday.   Actually, nag-start ang celebration ng September 11 pa lang.   May fieldtrip kasi ang panganay kong anak na si Jake ng September 12 kaya naisipan kong mag-celebrate na kaming pamilya ng September 11 pa lang. Sa Buffet 101 kami kumain ng aming lunch after ng aming pagsisimba.   From the church diretso na kami sa branch ng buffet 101 sa Robinsons Magnolia. First time namin sa branch na ito ng Buffet 101.  For me, mas okay ang branch nila sa Glorietta. Masasarap naman ang mga food.  Nag-start ako with different kinds of maki at sunod naman itong mga dimsum, century eggs and soy chicken. Komo may free cake ang may birthday, isinabay na din namin ang celebration ng panganay kong anak na si Jake na mag-be-birthday din sa September 22 naman.   Sa mismong araw ng aking birthday September 12 nagluto din ako ng kaunting handa para sa aking pamilya. ...

PORK BURGER with MUSHROOM GRAVY

Image
Paborito din ng mga anak ko ang burger steak na nabibili sa isang sikat na fast food chain.   Kaya naman kapag may pagkakataon ay nagluluto din ako nito sa bahay para sa kanila.  Nilalagyan ko na lang ng sarili kong twist ito para mas mapasarap pa. Sa version kong ito, ground pork ang ginamit ko para sa burger.   Medyo may kamahalan kasi kung baka.  hehehe.   Although may available din naman na burger patties sa supermarket, iba pa rin yung ikaw mismo ang gagawa fro scratch. Also in this version, nilahukan ko ang burger ng mga spices para may kaunting sipa kapag kinakain mo na ito.  At hindi naman ako nagkamali, masarap at juicy ang kinalabasan ng aking burger steak.   Try nyo din po. PORK BURGER with MUSHROOM GRAVY Mga Sangkap: 1 kilo Ground Pork (3/4 Lean & 1/4 Fat) 1 tsp. 5 Spice Powder 1/2 tsp. Cayene Powder 1/2 tsp. Paprika Powder 1 tsp. Ground Black Pepper 2 pcs. White Onion (chopped) 2 pcs. Fresh Eggs ...

SINIGANG na HIPON sa KAMIAS

Image
Nitong huling uwi ko sa aming bahay sa Bocaue, Bulacan, napansin ko itong puno ng kamias sa bakuran ng aking Tita Melda na hitik sa bunga. Naalala ko tuloy noong araw na maliliit pa kami, katu-katulong kami ng aming Mama Tinay na mamitas ng bunga nitong kamias at pagkatapos ay pinipiga namin yung katas at ginagawa namang minatamis.   Yes.  Ganun na katanda ng puno ng kamyas na ito. Kaya naman hiniling ko sa aking tita na pipitas ako nito para madala pabalik ng Maynila. Tamang-tama kasi may nabili namang hipon na suahe ang aking asawang si Jolly at ayos na isigang ko ito sa kamias nga. Ang sarap.   Tamang-tama lang yung asim.   Ang tagal ko na ding hindi nakatikim ng sinigang sa kamias.   Madalas kasi ay yung instant sinigang sa sampalok mix ang aking ginagamit. SINIGANG na HIPON sa KAMIAS Mga Sangkap: 1 kilo Hipon (Suahe) Kamias (depende sa asim na gusto nyo) 3 pcs. Tomatoes (quartered) 2 pcs. Onion (quartered) Labanos ...

CHICKEN ADOBO with CHEESE

Image
Nagsabi sa akin ang pangalawa kong anak na si James na kailangan daw niyang magdala ng pagkaing Pilipino sa school bilang pagdiriwang ng Buwan ng wika.  At ito ngang Chicken Adobo na ito ang aking niluto. Kapag pagkaing Pilipino, dalawang pagkain lang ang naiisip ko na masasabi nating pinoy na pinoy talaga.   Ito ay ang adobo at sinigang.   Di ba nga hanggang ngayon ay pinagdidibatehan pa kung alin nga sa dalawang ito ang maituturing na pambansang ulam ng Pilipinas.   Kahit ako hindi ko mapili kung alin talaga.   Pareho kasi na versatile ang dalawang ulam na ito at kahit saang lugar sa Pilipinas ay may sarilijg bersyon ng dalawang ulam na ito. But this time nilagyan ko ng twist ang chicken adobo ko na ito.   Komo mga kabataan ang kakain, naisip ko na bakit hindi ko lagyan ng grated cheese ang ibabaw para mas lalong maging katakam-takam.   Adobo with cheese?   Why not?   parehong masarap kay mas la...