MY 2016 BIRTHDAY CELEBRATION

Last Monday September 12 me and my family celebrated my 49th birthday.   Actually, nag-start ang celebration ng September 11 pa lang.   May fieldtrip kasi ang panganay kong anak na si Jake ng September 12 kaya naisipan kong mag-celebrate na kaming pamilya ng September 11 pa lang.

Sa Buffet 101 kami kumain ng aming lunch after ng aming pagsisimba.   From the church diretso na kami sa branch ng buffet 101 sa Robinsons Magnolia.

First time namin sa branch na ito ng Buffet 101.  For me, mas okay ang branch nila sa Glorietta.

Masasarap naman ang mga food.  Nag-start ako with different kinds of maki at sunod naman itong mga dimsum, century eggs and soy chicken.

Komo may free cake ang may birthday, isinabay na din namin ang celebration ng panganay kong anak na si Jake na mag-be-birthday din sa September 22 naman.  

Sa mismong araw ng aking birthday September 12 nagluto din ako ng kaunting handa para sa aking pamilya.   Dumating naman para sa hapunan ang kaibigan kong si Ate Joy at Nelson.   Nagluto ako ng Lasagna Roll,  Halabos na Hipon sa Chili-Garlic at Gata,   Lechon Macao at Herb Crusted Pink Salmon.   At ofcourse maraming tawanan at kwentuhan na nangyari.




September 13 naman Tuesday ay naghanda naman ako para sa aking mga kaopisina.   Nagluto ako ng Spaghetti Meat Overload,  5 Spice Fried Chicken,  Inihaw na Bangus with Cheese and Basil, Cheese Bacon Baby Potatoes, Menudong Puti at ang paborto nilang Creamy Maja Blanca.

Nakakatuwa dahil pumunta din ang aking mga matatalik na kaibigan sa work bukod sa aking mga kasamahan.   Salamat naman at nagustuhan nila ang aking mga inihanda.

Salamat sa lahat na bumati sa aking kaarawan at magkita-kita tayo next year sa aking 50th Birthday.

God Bless Us All !!!!

Comments

J Lopez said…
Happy Birthday Dennis!

And iyong fan sa Vancouver Canada

Joe
Dennis Glorioso said…
Salamat Joe.... Please continue supporting my blog.

Regards,

Dennis
Anonymous said…
Belated Happy Happy Birthday Sir Dennis (",) - from Doha, Qatar
Dennis Glorioso said…
Antagal na nun ah.....hehehe...pero salamat pa din kabayan.

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE