FRIED RICE MEAT OVERLOAD


Last last Sunday, nagkaroon ng Family Day ang pangalawa kong anak na si James sa Don Bosco Mandaluyong.   Bale ang nangyari, nag-toka ang mga parents officer ng mga pagkain na dadalihin ng bawat estudyante.  Buti na lang at medyo madali-dali ang na-toka sa aking anak.   Rice o kaya naman ay Fried Rice.  Yang Chow Fried Rice ang naka-specify pero ang ginawa ko ay all meat or meat overload na fried rice.

Nakakatuwa naman kasi nung pinapanood ko yung mga nagkukuhanan ng pagkain, marami ang kumuha nung niluto ko.   Sabagay, sino ba naman ang hindi matatakaw sa fried rice ko?   Ito pa lang ay kumpleto na.   Hehehehe.


FRIED RICE MEAT OVERLOAD

Mga Sangkap:
10 cups Cooked Rice (jasmine or yung long grain ang gamitin)
250 grams Ground Pork
250 Grams Sweet Ham (cut into small pieces)
250 grams Bacon (cut into small pieces)
4 pcs. Chinese Chorizo (cut into small cubes)
2 cups Mix Vegetables (corn, carrots, peas)
4 pcs. Fresh Eggs (beaten)
2 heads Minced Garlic
Spring Onion
2 tbsp. Sesame Oil
Cooking Oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

 Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang medyo malaking non-stick na kawali i-prito ang binating itlog sa kaunting mantika hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan.
2.   Sa parehong kawali i-prito naman ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sunod na ilagay ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta.
4.   Kapag nawala na ang pagka-pink ng giniling ilagay na ang ham, bacon at Chinese chorizo.   Halu-haluin.
5.   Sunod na ilagay ang mix vegetables at kanin.   Halu-haluin.
6.   Timplahan ng asin at maggie magic sarap.   Halu-haluin.
7.   Huling ilagay ang sesame oil.   Haluin muli.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang chopped scrambled eggs, chopped spring onions at toasted garlic.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy