NOCHE BUENA 2016
Ang Noche Buena ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino sa panahon ng Kapaskuhan. Hinihintay natin ang alas-12 at sabay-sabay na pinagsasaluhan ng ating pamilya ang masasarap na pagkain.
This year, sa bahay ng aking biyenan na si Inay Elo kami nag-spend ng aming Noche Buena. Simple lang naman ang aking inihanda komo kabi-kabila din naman ang mga kainan.
Para sa pampagana, gumawa ako ng California Maki na nilagyan ko din ng strip crab sticks at Japanese Mayo sa ibabaw.
For the main course, nagluto ako nitong Roasted Chicken na sinamahan ko din ng baby potatoes.
Mayroon din nitong Baby Back Ribs in a bed of buttered beans. Panalo ang sauce nito sabi ng anak kong si Jake.
Mawawala ba ang pasta dish kapag ganitong okasyon. Dapat sana ay with mix sausages ang gagawin ko dito. Kaso, naiwan ko sa Manila yung nabili kong sausages. Kaya ang nangyari, simpleng ala carbonara ang aking naluto.
For the dessert, may bigay na Leche Plan ang kapatid kong si Shirley. Ang ginawa ko na lang, pinalibutan ko ng Kiwi para pang-tanggal umay.
May nabili din ako suman na ang tawag naman dito sa Batangas ay Tamales. Syempre hindi mawawala ang sauce nito at budbod.
Nag-enjoy ang lahat sa inihanda kong Noche Buena. Ubos kung baga. Hehehe. Dumating din kasi ang mga relatives ng aking asawa para mamasko.
Muli.... MALIGAYANG PASKO at MASAGANANG BAGONG TAON sa LAHAT!!!!

Comments