CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL

Ito ang isa sa mga inihanda ko nitong nakaraan naming media noche.   Crab Stick and Cucumber Spring Roll.

Actually, marami na din akong na-post na recipe nito sa archive.   Minarapat ko lang na i-post ulit with the latest picture para sa mga bago pa lang na sumusubaybay sa food blog kong ito.   Mayroon ding nag-message sa akin na i-post ko nga daw ang recipe para magaya niya.

Madali lang naman ang appetizer na ito.   Ang mahirap ay yung pag-hanap ng mga sangkap at yung mismong pag-assemble.   Kapag hindi ka kasi mabilis sa pag-roll masisira o mapupnit lang yung wrapper.

Pero winner talaga ang spring roll na ito.   Hina-hanap-hanap talaga sa akin ito kapag may espesyal na okasyon sa amin.   Try nyo din po.


CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL

Mga Sangkap:
Rice Paper
Crab Sticks (cut into strips)
Cucumber (cut into strips)
Romaine Lettuce
Cashiew Nuts (durugin)
For the sauce:Mayonaise
All Purpose Cream
Peanut Butter
Sesame Oil
Salt and pepper to taste

To assemble:
1.   Ilubog ang 1 piraso ng rice paper sa tubig.
2.   Ilatag ito sa isang plato at ilagay ang 1 pirasong dahon ng lettuce,  kaunting crab sticks, kaunting pipino at dinurog na cashiew nuts.
3.   I-roll ito ng mahigpit...nakasara ang dalawang gilid...at hiwain ng pahalang sa gitna.    Ulitin lamang ito sa lahat ng mga sangkap.
4.   For the sauce:   Paghaluin lang ang Mayonaise, all purpose cream, peanut butter, sesame oil at kaunting asin at paminta.   Para sa dami ng gagamitng mga sangkap, tantyahin lamang ang dami depende sa dami ng spring roll na gagawin.

Ihain agad and enjoy!!!

Comments

Sir dennis,

Gud pm, yung crab stick po..d po un lulutuin?

renz
Dennis Glorioso said…
Hindi na niluluto yun. Everything is fresh.
Unknown said…
Hi Sir Dennis. saan po nakakabili nung rice paper? iba pa po ba ito sa lumpia wrapper?
Dennis Glorioso said…
Sa SM supermarket meron. No iba ito sa lumpia wrapper.
Anonymous said…
Salamat po. Natry ko na din po ung chicken italiana ala Dennis. Super sarap.napadami kain namin mag-asawa. Salamat sa posts sir Dennis.
Dennis Glorioso said…
Salamat naman po at nagustuhan nyo ang mga pino-post ko.

- Dennis
Unknown said…
Long time no post. Hope you are well.
Unknown said…
Gaano po kaya katagal bago ma expired, pag wala sa ref. At pag nasa ref.? Thanks
Dennis Glorioso said…
Paki-abangan po ang aking pag-babalik
Dennis Glorioso said…
Hindi naman po nag-e-expire ang rice paper komo dry po ito. Basta wag lang po mapapasukan ng insekto ang pinaglalagyan ay ok po ito. Wag nyo po ilalalagy sa ref...pwede pong magka-moist ito at amagin.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE