PENNE PASTA with CREAMY PESTO SAUCE
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakaraang media noche. Penne Pasta with Creamy Pesto Sauce.
Gusto ng asawa kong si Jolly na ang mga ihahanda namin ay yung bihira lang namin makain. Naisip kong pesto sauce naman ang ilagay sa pasta dahil nagustuhan namin yung natikman namin na ganito ding luto sa isang Italian restaurant na nakainan namin. At para mas maging masarap nilagyan ko din ito ng twist. Nilagyan ko pa ito ng toasted cashiew nuts sa ibabaw to add additional texture. Also, pinaghalong mozzarela at cheddar ang inilagay kong cheese.
PENNE PASTA with CREAMY PESTO SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Penne Pasta (cooked according package directions)
250 grams Cooked Sweet Ham (cut into small pieces)
100 grams Fresh Basil Leaves
1 cup Olive Oil
250 grams Cashiew Nuts
1 cup Mozzarela Cheese
1 cup Cheddar Cheese
2 tetra brick All Purpose Cream
1/2 cup Melted Butter
2 head Minced Garlic
2 pcs. Onion (chopped)
5 cloves minced Garlic
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang penne pasta according to package directions.
2. Ilagay naman sa mainit na tubig ang fresh basil leaves. Hayaan ng mga 1 minuto. I-drain.
3. Ilagay sa blender ang binanliang basil leaves, cashiew nuts (magtira ng kaunti pang-toppings), olive oil, 1 tbsp. minced garlic, 1 tetra pack All Purpose cream at kaunting asin at paminta. I-blender ito hanggang sa madurong ang lahat na mga sangkap.
4. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
5. Sunod na ilagay ang hiniwang hamon at timplahan ng kaunting asin at paminta.
6. Sunod na ilagay ang ginawang pesto at ang 1 brick pang all purpose cream.
7. Sunod na ilagay ang 1/2 cup na mozzarela cheese at 1/2 cup na cheddar cheese. Halu-haluin.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Patayin ang apoy at ihalo ang nilutong penne pasta. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng past.
10. Isalin sa isang lalagyan a ibudbod sa ibabaw ang natirang mozzarela at cheddar cheese. Ibudobod na din ang natirang cashiew nuts.
Ihain habang mainit-init pa.
Enjoy!!!!

Comments