STEAMED LAPU-LAPU
December 31, 2016 habang naghahanda ako para sa mga ihahanda para sa media noche, nagdala ng pagkalaki-laking lapu-lapu ang pamangkin ng aking asawa na si Japok. Pinapaluto daw ito ng aking bayaw na kanyang tatay para pagsaluhan nga sa media noche.
Sa isip ko, dalawang luto ang pwedeng gawin sa isda. Yung may sweet and sour sauce at yung steam. Nag-suggest ako ng steam. Sa isip ko kasi mas madali ang trabaho at hindi masyadong marami ang sangkap na gagamitin.
Ang naging problema ko lang dito ay ang steamer na gagamitin. Sa laki ng lapu-lapu, walang steamer na ganun kalaki para magkasya ito. Ayoko namang putulin ang isda para magkasya. Ang ginawa ko na lang pinakuluan ko ito sa kumukulong tubig na tinimplahan ng mga pampalasa. Ayos din naman.
At ito na nga ang kinalabasan ng aking Steamed Lapu-lapu. Masarap at pang-espesyal na okasyon talaga. Yum yum yum!!!!
STEAMED LAPU-LAPU
Mga Sangkap:
Large size Lapu-lapu
2 tbsp. Sesame Oil
2 thumb size Ginger (pounded)
Leeks
2 pcs. Onion (sliced)
Salt and pepper to taste
Mayonaise
Hard boiled Eggs
Romaine Lettuce
Carrots (cut into small pieces)
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang lapu-lapu ng asin at paminta. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang kawa o malaking kawali, magpakulo ng tubig na may sibuyas, pinitpit na luya, leeks, asin, paminta at sesame oil.
3. Pakuluin muna ang tubig ng mga 5 minuto bago ilagay ang isda. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang isda. Palamigin
4. Sa isang bowl, paghaluin ang mayonaise at kaunting asin at paminta.
5. Ipahid ito sa katawan ng isda.
6. I-decorate ang nilagang itlog at hinwang carrots sa ayos na gusto ninyo.
Enjoy!!!!
Comments