Baked Tahong


Noon ko pa gustong magluto ng ganito. Kaso, wala naman kaming oven. Yung oven toaster naman namin sira. Remember yung pasta dish ko na may tahong? 1 kilong tahong ang binili ko that time. Sobrang dami naman nito kung ilalagay kong lahat sa pasta. So ang ginawa ko, viola! baked tahong ang kinalabasan. Alam nyo kung saan ko ito niluto? Sa microwave. Correct! sa microwave ko ito niluto. Ang siste lang kasi, di ba ang kailangan lang naman ay matunaw o maluto yung cheese na ilalagay sa tahong? Kaya ayun masarap pa rin ang kinalabasan. Maraming version ang baked tahong. Itong sa akin naman ay ito:

BAKED TAHONG


Mga Sangkap:

1/2 kilo large size Tahong

Grated Eden quick melt cheese

Olive oil

Dried basil leaves


Paraan ng pagluluto:


1. Ilaga ang tahong sa isang kaserolang may tubig at asin

2. Kapag bumuka na, hanguin ito at palamagin

3. Tangalin ang kalhating shell at ihilera ang parteng may laman sa isang microwaveable dish

4. Lagyan ang bawat isa ng grated cheese, kaunting olive oil at kaunting dried basil

5. Ilagay sa oven o oven toaster. Ako nilagay ko ito sa microwave.

6. Lutuin hanggang sa matunaw ang cheese sa ibabaw.

Ihain hanggang mainit.

Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
hmmmm napakasarap naman nito....
Dennis said…
Masarap talaga....hehehe..... Thanks my friend.

Dennis
Anonymous said…
wow! buti nalang at nakita ko itong blog nyo... kasi bukas magluluto ako ng baked tahong. eh, wala kaming oven. meron kaming oven toaster at microwave.. maliit ang toaster kaya sa microwave ko pinag iisipan... ito nga at naconfirm ko sa blog nyo na pwede pla... hayzt! makakapagluto na ko.hehe! salamat nmn... this helps a lot po! more power!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy