Okoy na Kalabasa
Isa na namang pagkaing pang-Mahal na Araw ang feature natin ngayon. Actually, hindi ko alam kung ano talaga ang original recipe ng Okoy, basta ang alam ko lang may hipon ito, piniprito at isinasawsaw sa suka. Ang alam ko din, kasi ito ang naka-gisnan ko, kalabasa ang ginagamit sa okoy. Natatandaan ko pa nga, nagluluto nito ang Inang Lina ko at itinitinda naman namin sa mga kapit-bahay.
Nung niluto ko ito, hindi ko na-perfect ang pagka-lutong ng kalabasa. Pero ang lasa perfect talaga. Madali lang lutuin ang recipe na ito. At masarap talaga na appetizer o maging main dish man. Masarap din itong sa merienda kasama ng lugaw o arroz caldo. Try nyo....
OKOY NA KALABASA
Mga Sangkap:
1/4 kilo Kalabasa hiwain na parang palito ng posporo. Dapat manipis lang ang hiwa
250 grams hipon (Tanggalin ang ulo at shell)
1 cup Harina
1 egg
salt and pepper
Maggie magic Sarap
2 cups Cooking oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. Paghaluin ang harina, itlog, asin, paminta at maggie magic sarap. Tantyahan lang ang ginawa ko dito. Depende kasi sa dami ng lulutuing okoy.
2. Ilagay sa pinaghalong mga sangkap ang ginayat na kalabasa. Halu-haluin
3. Sa isang platito maglagay ng tamang dami ng pinaghalong sangkap.
4. Lagyan ng ilang pirasong hipon sa ibabaw at lagyan ng pinaghalong sangsap para kumapit ang hipon sa kalabasa.
5. I-prito sa kumukulong mantika. Nakalubog mas mainam
6. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel para maalis ang excess na mantika
7. Ihain na may sawsawang pinaghalong suka, calamansi, sibuyas, bawang, asin at paminta.
Enjoy!!!
Comments
Dennis
Dennis
Dennis
maraming salamat po sa pag-blog nito ^_^
Dennis