Okoy na Kalabasa



Isa na namang pagkaing pang-Mahal na Araw ang feature natin ngayon. Actually, hindi ko alam kung ano talaga ang original recipe ng Okoy, basta ang alam ko lang may hipon ito, piniprito at isinasawsaw sa suka. Ang alam ko din, kasi ito ang naka-gisnan ko, kalabasa ang ginagamit sa okoy. Natatandaan ko pa nga, nagluluto nito ang Inang Lina ko at itinitinda naman namin sa mga kapit-bahay.

Nung niluto ko ito, hindi ko na-perfect ang pagka-lutong ng kalabasa. Pero ang lasa perfect talaga. Madali lang lutuin ang recipe na ito. At masarap talaga na appetizer o maging main dish man. Masarap din itong sa merienda kasama ng lugaw o arroz caldo. Try nyo....


OKOY NA KALABASA

Mga Sangkap:

1/4 kilo Kalabasa hiwain na parang palito ng posporo. Dapat manipis lang ang hiwa

250 grams hipon (Tanggalin ang ulo at shell)

1 cup Harina

1 egg

salt and pepper

Maggie magic Sarap

2 cups Cooking oil for frying


Paraan ng Pagluluto:

1. Paghaluin ang harina, itlog, asin, paminta at maggie magic sarap. Tantyahan lang ang ginawa ko dito. Depende kasi sa dami ng lulutuing okoy.

2. Ilagay sa pinaghalong mga sangkap ang ginayat na kalabasa. Halu-haluin

3. Sa isang platito maglagay ng tamang dami ng pinaghalong sangkap.

4. Lagyan ng ilang pirasong hipon sa ibabaw at lagyan ng pinaghalong sangsap para kumapit ang hipon sa kalabasa.

5. I-prito sa kumukulong mantika. Nakalubog mas mainam

6. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel para maalis ang excess na mantika

7. Ihain na may sawsawang pinaghalong suka, calamansi, sibuyas, bawang, asin at paminta.


Enjoy!!!

Comments

Jen said…
Thanks for sharing the recipe! Matagal na akong hindi nakakagawa ng okoy. Mukhang masarap and receta mo. Salamat.
Cool Fern said…
i'll try this kasi holy week..timely siya talaga,dennis
Anonymous said…
Salamat sa recipe kakaiba okoy kc sa amin toge eh.
Anonymous said…
..ako sinasamahan ko ng ginayat na carrots yong kalabasa....minsan naman purong ginayat na papaya lang o kaya purong maliliit lang na hipon.....
Dennis said…
Thanks Jen....masarap talaga yan. Yun lang hindi naging perfect ang lutong niya. maybe because of the pan na ginamit ko kaya nagka-ganun. But the taste was really great especially with the sawsawan....hehehehe.

Dennis
Dennis said…
Cool Fern may surprise ako sa iyo....abangan mo lang in the few days....hehehehe. Sigurado ako na matutuwa ka....hehehehe.


Dennis
Dennis said…
Yes Anonymous...toge ang pangkaraniwan na ginagamit sa okoy.....Yung iba naman kamote. Yun nga ang nakagisnan ko ay yung kalabasa. Yung may carrots di ko pa na-try...siguro sa susunod. Mukhang okay din magblend ang lasa ng kalabasa at carrots. The secret of this recipe is really in the sawsawan....hehehehe....tamang asim, anghang at tamis....hehehehe

Dennis
Anonymous said…
waaw, ito ang gusto kong makuha na klase ng okoy (ang okoy kasi ni mama walang kalabasa, hipon at/o dilis lang)

maraming salamat po sa pag-blog nito ^_^
Dennis said…
I think hindi okoy yun zacheo....baka tortang dilis o hipon yun.

Dennis
Mrs Ambrose said…
hi sir dennis. this recipe rocks! I managed to make one this evening and it turned out good! really good! i also made some additional ingredients such as basil and oyster sauce in the flour ;p tnx for sharing this one.
Cathy B. Javier said…
Thanks Mr.Dennis s recipe,maga2mit ng daughter qoh s school.may competition kc cla s cooking n ang main ingredients ay kalabasa.tnx again,and hopefully manalo cla ng group nya. ,,,

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW