FISH FILLET with CREAMY BUTTER and LEMON SAUCE
Mula nung matikman ko ang isdang cream of dory, na-inlove na ako sa isdang ito. Masarap siya. Para ding lapu-lapu. Masarap siya na nilalagyan ng ibat-ibang sauce na na-try ko na din sa mga nakaraan kong lutuin. Ang mainam sa isdang ito, mas cheaper siya as compare sa lapu-lapu o kaya naman tuna. Mabibili mo ito sa mga supermarket kagaya ng SM, shopwise o Rustans sa frozen section nila. Try nyo ito...masarap din.
FISH FILLET with CREAMY BUTTER and LEMON SAUCE
Mga Sangkap:
1/2 kilo Fish Fillet (Cream of Dory ang ginamit ko dito)
4 pcs. calamansi
1/2 Lemon
2 cups. Flour
Salt and Pepper
1 8g sachet maggie magic sarap
1/2 cup butter
1/2 cup Alaska Evap
1 tsp. cornstarch
cooking oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang whole fish fillet sa asin, paminta, maggie magic sarap at katas ng calamansi ng mga 1 oras. Mas matagal i-marinade mas mainam.
2. Alisin sa marinade mix ang isda. Tuyuin ng paper towel para maalis pa ang excess na katas.
3. Ilagay ito sa isang malinis na plastic bag at lagyan ng harina. Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng harina ang isda.
4. I-prito ito sa hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Sa isang sauce pan, ilagay ang butter at katas ng lemon. Lutuin sa mahinang apoy. Halu-haluin.
6. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
7. Ilagay ang gatas at tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong fish fillet.
Ihain habang mainit.
Enjoy!!!
Note: To add more lemon flavor sa sauce. Maaring gadgarin yung balat ng lemon at ihalo sa sauce.
Comments