EGGPLANT & BEEF LASAGNA


Hindi ko akalain na ganito kasarap ang kakalabasan ng lutuing kong ito. Nung una nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ito o ibang recipe na lang kagaya ng arroz ala cubana ang gagawin ko. Although, kumpleto naman ang mga sangkap na gagamitin ko meron pa rin akong pag-aalinlangan. Una, papano ko lulutuin yung talong? ipi-prito ko ba o ilalaga?

First time ko lang na lutuin ito. Ofcourse yung lasagna talaga nailuto ko na. Pero dito, talong ang ginamit ko pamalit dun sa pasta.


EGGPLANT & BEEF LASAGNA

Mga Sangkap:

500 grams Ground Beef


2 large Eggplant (hiwain ng maninipis..bahala na kayo kung gaanong kahaba ang nais ninyo)


250 grams Mix Vegetables (carrots, green peas, corn)

1 tetra pack Del Monte Tomato and Cheese Pasta Sauce

1 tsp. dried basil

1 8g sachet maggie magic sarap


1/2 bar Cheese grated

salt and pepper




Paraan ng Pagluluto:

1. I-steam ang mga hiniwang talong. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.


2. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang bawang at sibuyas.


3. Ilagay ang giniling na baka, timplahan ng asin, paminta at dried basil. Halu-haluin hanggang sa mawala na ang kulay pula sa karne. Hayaan ng mga 5 minuto


4. Ilagay ang mix vegetables at tomato and cheese sauce. Halu-haluin


5. Lagyan ng mga 1/2 cup na cheese o mas marami pa.


6. I-adjust ang timpla ayon sa inyong panlasa.


7. To assemble: - Sa isang plato, mag hilera ng mga 3 slice na nilutong talong.
- Lagyan ng nilutong giniling sa ibabaw ng talong
- Lagyan ng cheese at latagan ulit ng talong sa ibabaw.


8. Maaring i-bake sa oven o kaya naman ay sa turbo broiler hanggang sa matunaw lang ang cheese sa ibabaw.


Ihahin na may kasamang garlic or tasted bread. Masarap din ito sa kanin.....hehehe


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
hhmmmmmm..sarap..ang pinakagusto ko naman sa eggplant is yong inihaw and then soak mo siya sa eggwash and fry...second is eggplant salad...kung minsan lagyan mo ng kakang gata ang eggplant salad...
In this recipe, mas mainam siguro kung i-prito yung talong. madali kasing mapanis kung steam ang gagawin. Pero winner ang recipe na ito...hehehehe


Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE