MY SON JAMES 9TH BIRTHDAY


Birthday last August 19 ng pangalawa kong anak na si James. James Manuel ang buo niyang pangalan. Manuel siya kasi natapat sa death anniversary ni Ex-President Manuel Quezon ang birthday niya. Yung James, wala lang. Komo nga gusto namin na puro nag-start sa 'J' ang mga pangalan ng mga anak namin kaya ganun.

Mula nung pinanganak sila, tuwng darating ang kanilang kaarawan, iniraraos ko kahit papaano ang birthday nila. Syempre hindi mawawala ang pagkain. Kaya eto share ko sa inyo ang munting salo-salo na pinasaluhan namin.


The birthday celebrator with his mommy Jolly, Anton and kuya Jake.
Matagal pa lang, tinanong ko na ang anak kong ito kung ano ang gusto niya sa birthday niya. ang sagot niya, gusto daw niya ng lego blocks. Sa handa naman, gusto niya ng pasta carbonara, lechong kawali ng fried chicken. So, ang mga ito nga ang inihanda ko sa munting salo-salo namin sa bahay.


Eto ang pagkain na hiniling ng may birthday. Una sa list ang Pasta Carbonara.



Eto naman fried chicken na niluto ng dalawang beses. Abangan nyo kung bakit dalawang beses. Pero masarap ito.


Ang gusto ng may birthday Lechong Kawali ang lutuin ko. Pero komo mahirap yun lutuin, naisip ko bakit hindi na lang pata na niluto sa turbo ang lutuin ko. Alam nyo ang sarap ng kinalabasan nito. Malutong ang balat na parang lechon talaga at malinamnam ang lasa ng laman.

Nakakatuwa lang isipin....napaka-bilis ng panahon...eto malaki na ang anak kong ito...at malakas kumain ha.....hehehehe. Okay lang. Basta ba wag lang silang magkakasakit.

Wish ko lang sa kanya...sana...lumaki siyang mabuting tao...may pagmamahal sa Diyos...may pagmamahal sa kanyang mga magulang at kapatid....at may malusog na pangangatawan..

HAPPY BIRTHDAY!!!! my son..... Daddy and Mommy loves you very much.

Comments

Cool Fern said…
happy bday,james
Thank you my friend......tagal mong nawala? Nagbakasyon ka na naman? hehehe


Dennis
Cool Fern said…
dito lang..bz facebooking hahahaha..naluluha na nga ang mga mata ko sa kafa-facebook...argh
Pareho kayo ng asawa ko...ayun nagkada-puyat kaka-laro ng pathwords sa facebook...hehehehe. Invite mo ako...edp@megaworldcorp.com

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE