PALITAW



Ang Palitaw ang isang pagkaing Pilipino na masasabi nating pinoy na pinoy talaga. Masarap ito bilang panghimagas o kaya naman ay meryenda. Masarap kainin ito na may kasamang mainit na tsa-a. Masasabi kong pinoy na pinoy ito dahil ang mag pangunahing sangkap nito ay madaling matagpuan dito sa atin. Bukod pa sa madali lang lutuin ito.

Natatandaan ko noong bata pa ako, kapag magluluto ng palitaw ang aking Inang, salit-salitan kami ng Kuya Nelson ko sa pag-giling ng malagkit sa gilingang bato para makagawa ng galapong. Nakakapagod kasi hindi pwedeng shortcut ang pag-giling dahil magiging magaspang ang galapong. Salamat at nauso ang mga gilingang de kuryente at yung available ngayon na powder na.

Try nyo ito. Bukod sa madali lang itong lutuin, masarap talaga. Nagbalik nga sa ala-ala ko ang aking kabataan na madalas kaming makakain ng ganito.

PALITAW
Mga Sangkap:
4 cups Glutinous Rice Powder
1 Kinayod na niyog
1 cup white sugar
3 tbsp. sesame seeds o linga (isangang ito hanggang sa magkulay brown)
Paraang ng Pagluluto:
1. Ilagay ang Glutinous Rice Powder sa isang bowl.
2. Unti-unting lagyan ito ng malamig na tubig habang hinahalo. Dapat ay yung tama lang ang lambot ng galapong.
3. Habang ginagawa ang #2, magpakulo na ng tubig sa isang kaserola.
4. Kumuha ng kapirasong galapong at bilugin sa kamay at saka i-press para lumapad.
5. Ihulog ito sa kumukulong tubig at hintaying lumutang.
6. Kapag lumutang na hanguin ito sa isang lalagyan
7. I-gulong ang nilutong palitaw sa kinayod na niyog.
8. Lagyan ng pinaghalong asukal at sinangang na linga sa ibabaw
Maaring ihain ng mainit o malamig.
Enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
love this talaga..
kaka miss talaga siya..
kahit anong kakanin ipakain mo sa akin,kakainin ko talaga...
Pareho tayo....miss ko ang mga kakanin na katulad nito. Kaya nga kung may pagkakataon ako nagluluto ako nito....hehehehe

Dennis
Cool Fern said…
'lam mo bang natutu akong magluto ng bibingka dito?kasi gusto ko talagang kumain ng bibingka..ayun marunong na ako ngayon..hahaha
ang ginawa ko is from scratch talaga hindi yong nasa box...
kasi may pabiling frozen banana leaves dito ..
Dito may nabibili naman kahit sa mga mall..pero sabi ko nga iba yung ikaw yung may gawa....iba yung satisfaction...hehehehe.

Next time gusto kong gumawa ng sapin-sapin....hehehe...naubusan na lang ako ng malagkit na powder....hehehehe

Dennis
Cool Fern said…
yan ang gusto kong matutunan ...sapin sapin...
looking fwd to your sapin sapin
Hayaan mo my friend....kahit may pagaalinlangan ako sa pagluluto nito...gagawin ko pa rin para sa iyo....hehehehe.

Dennis
jun abaf said…
ang laki po ng naitulong nyan sa project ko hehe thanks po... bale nilagyan naman po namin sya ng ube
jun abaf said…
jell po ang name ko girl po ako
Dennis Glorioso said…
Thanks Jell...nakakatuwa naman at nakakatulong pala ang food blog kong ito.

E bakit Jun Abaf ang name na nakalagay? just curious

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE