SAUCY HONEY BARBEQUE CHICKEN


Another simple but delicious dish. Sino ba naman ang may ayaw sa barbeque? hehehehe. Pero itong dish natin for today saucy ang dating. Madali lang itong gawin


SAUCY HONEY BARBEQUE CHICKEN

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken Breast Fillet

1 cup Mama Sita Barbeque marinade mix

6 pcs. calamansi

5 cloves minced garlic

3 tbsp. Pure Honey

salt and pepper


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang chicken breast fillet sa barbeque marinade mix, asin, paminta at katas ng calamansi. Overnight mas mainam.

2. Sa isang non-stick na kawali, isalansan o ilagay ang mga manok kasama ang marinade mix. Hayaang ng mga 15 minuto o hanggang sa maluto ang karne ng manok.
3. Kung luto na ang manok, ilagay ang pure honey. Hinaan ang apoy at madaling masunog ito. Bali-baligtarin ang manok para ma-coat ito ng sauce.
4. Hanguin sa isang lalagyan. Maaring lagyan ng buttered vegetables as a side dish.
Try nyo ito masarap talaga. Masarap din ito na pangbaon ng mga bata sa school. Sigurado akong magugustuhan nila ito.
Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
hmmmm...very katakam takam looking..plus the green beans..napakasarap kainin talaga..
Thanks...bukod sa masarap...ang dali lang talagang lutuin....nothing complicated....hehehehe


Dennis
Cool Fern said…
ka abang abang ang daing na bangus..tingnan ko kung ano ang twist mo...
Hehehe...na-pressure tuloy ako sa comment mo...hehehehe.

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE