MINATAMIS NA SAGING
Bumisita kami ng aking pamilya sa aking biyenan nitong isang weekend. Medyo may katagalan na din na hindi kami nakakauwi ng Batangas. Kaya naman kahit madali lang kami doon ay natuwa naman ang matanda.
Ang isa pang masaya kapag umuuwi kami ng probinsya, ang daming prutas na naiuuwi kami pagbalik namin ng Manila. May rambutan, saging na saba, saging na latundan, dalandan, chico at marami pang iba.
Kaya eto para hindi kami makabulukan ng prutas, pinirito ko yung iba. Yung iba naman minatamis ko. Panalo pang meryenda at pang desserts na din.
MINATAMIS NA SAGING
Mga Sangkap:
10 pcs. Saging na saba (Hatiin sa gitna o hiwain sa nain na laki)
250 grams Sago
1/2 kilo brown sugar
3 tbsp. Vanilla
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, lutuin ang saging na saba sa tamang dami ng tubig.2. After mga 15 minutes, ilagay ang sago, asukal at vanilla. Hayaan ng mga 15 minuto pa sa mahinang apoy hanggang sa medyo lumapot ang asukal.
Palamigin muna bago ihain. Masarap ito kung lalagyan ng ginadgad na yelo at gatas na evaporada. Pwede ding lagyan ng langka para mas lalong sumarap.
Enjoy!!!
Comments
Dennis