ALIMASAG, SITAW at KALABASA sa GATA


Another seafood dish tayo ngayon. Di ba sabi ko nga sa nakaraan kong entry na medyo bawas muna ako sa karne? Kaya eto, my 3rd seafood dish para sa ating munting tambayan.

Actually, madali lang itong dish na ito. Tambog-tambog lang ng mga sangkap and presto may masarap na ulam ka na. Pwede din palang lagyan ito ng spinach o kangkong kung gusto ninyo.

Also, komo nga may kamahalan ang alimasag, nilagyan ko na lang ng kalabasa at sitaw as extender. Alam nyo ang laki ng idinagdag na sarap sa dish ng nilagyan ko ng mga gulay na ito. Sabagay, ano ba ang hindi sasarap sa lutuing may gata ng niyog? hehehehe. Try nyo ito...masarap talaga.





ALIMASAG, SITAW at KALABASA sa GATA

Mga Sangkap:

1 kilo Female Alimasag (Hiwain sa gitna)

300 grams Kalabasa cut into cubes

1 tali Sitaw (Hiwain ng mga 2 inches ang haba)

1 thumb size Ginger

5 cloves minced garlic

1 large chopped onion

2 cups Kakang gata

Maggie Magic Sarap

salt and pepper



Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika

2. Ilagay ang alimasag at timplaha ng asin at paminta. Halu-haluin

3. Ilagay na din ang kalabasa at sitaw. Lagyan ng kaunting tubig at hayaang maluto.

4. Kung malapit ng maluto, ilagay ang kakang gata at maggie magic sarap.

5. Tikman at i-adjust ang lasa.


Ihain habang mainit pa.


Enjoy!!!!



Note: Maaring lagyan ng siling pang-sigang para magkaroon ng kaunting anghang ang lutuin. Hindi ako naglagay ng sili komo may mga bata na kakain nito. Try nyo...masarap talaga ito..

Comments

cool fern said…
OMG..super sarap nito..maparami ang kain ko ng rice nito...i just love this recipe of yours,dennis...
Friend...kagaya ng sabi ng doktor ko...hinay-hinay sa kanin at baka lalong tumaas ang bloood sugar....hehehehe.

Well...mapaparami talaga ang kain mo pag ganito ang ulam...lalo pa kung kumakain ka ng naka-kamay....hehehehe


Dennis
cool fern said…
dennis,hindi kaya ang kaunti ang rice dito...4 servings of rice ako kung eto ulam ko...LOL
Ang blood sugar take note....hehehehe
lotty said…
hi!!! i'm 1 of ur readers, i admit u always amused me coz u r very adventurous in ur cooking. i'l share to u 1 f my recipes n tlagang experimental din. i called it ginataang sitaw sa sardinas. all u need is mga 2 cups ng sitaw n hiniwa ng half inch, 1 cup kakang gata, 2 gloves of garlic (minced), onion, siling pangsigang and 2 cans ligo sardines (red). igisa m lang ung garlic and onion then ung 2 cans ng sardines (bawasan m ung sauce ng sardines), then ung sitaw tapos ilagay m n ung kakang gata and sili. salt to taste. then patayin m n ung kalan pag luto n. promise, ang sarap nito w/ pritong isda. hope u'l try this.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE